^

Pang Movies

Sa sobrang saya sa dumating na big break: Julia Barretto ayaw nang pakialaman ang giyera ng mga tita at lola, pati sa iskandalo ni Marjorie patay malisya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang suwerte talaga ni Julia Barretto dahil sa kanya ipinagkatiwala ng Dreamscape ng ABS-CBN ang isang nakapalaking proyekto. Inanunsiyo last Friday sa isang presscon na ipinatawag ng network na ang nasabing showbiz royalty ang napili nilang maging bida sa remake ng Cofradia na dating ginampanan ni Gloria Romero at ni Gina Alajar.

Of course, masayang-masaya ang anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla for giving her this big break.

“Sobrang saya ko, sobrang thankful, sobrang blessed, sobra talaga, na-excite na ako,” sabi ni Julia.

Wala pa siyang leading man at kasalukuyan pang in search ang network kung sino ang babagay sa kanya at sa role kaya natanong si Julia kung sino ba ang preferred niya kung sakaling may choice siya.

Pero say ng pamangkin nina Gretchen and Claudine, okay daw sa kanya kung sino man ang mapipili ng management. Ipinauubaya na niya sa mga mas nakaaalam ang bagay na ito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may pinagdadaanan ngayon ang pamilya Barretto at ang pagkakapili kay Julia para sa proyekto ay talaga namang isang napakagandang balita.

“When my mom told me na nakuha ko nga, na tuloy na ang Cofradia, she was very happy. Parang she was like ‘Yehey, Julia I have good news for you!” kasi nga ’di ba despite of what’s going on there’s good news? So, we were very happy ’tapos church lang kami everyday. We were praying. Strong family, ” she said.

Dalawang malaking intriga sa pamilya nila ang dumating recently at ayon kay Julia gusto niyang isipin na lang ang mga positibong nangyayari tulad ng Cofradia.

Aniya, mas okay na ang mommy niya ngayon pagkatapos magsalita sa The Buzz last Sunday.

“Galing niya, ’no? Pati ako, ‘Hmm, galing ni Mommy!” Napaka-strong niya, ’yung parang there’s really nothing to worry about when it comes to my mom because napaka-strong and magaling siya mag-handle sa mga situation na ganun,” proud na sabi ng anak.

Did her mom say “sorry” to her?

“She doesn’t have to say sorry because kilalang-kilala namin ’yung mom namin. Alam namin ’yung magagawa niya and ’yung mga hindi niya magagawa. Coming from her daughter she doesn’t have to say sorry,” pahayag ni Julia.

Needless to say, ang isyung pinag-uusapan dito ay ang scandalous photos ni Marjorie na lumabas sa Internet recently.

Tungkol naman sa sigalot ng magkakapatid na Barrettos – her mom and her titos and titas plus her lola — ayon kay Julia ay ayaw na niya itong pakialaman.

Hindi pa niya nakakausap ang lola niya o mga tito and tita tungkol dito at gusto niyang maging kalma muna ang sitwasyon.

“Hindi ako nakikialam. Hindi ko ’yun problema. It’s not for me to fix, to talk about, sa kanila na ’yun. Ang saya-saya ko eh,” saad niya.

Sa ngayon ay wala pang date kung kailan uumpisahan ni Julia ang Cofradia at wala pa ring airing date at nasa preparation stage pa lang ang youngster.

After the presscon ay nagkaroon siya ng look test para malaman how will she look kapag darkened na ang skin niya. Nakatakda rin siyang magkaroon ng acting workshop in the coming days and she just really hopes na magawa niya ng tama ang lahat ng ipagawa sa kanya.

When asked kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng kanyang ama na siya ang the next Claudine Barretto, napa-wow si Julia.

“Wow, grabe! Sobrang compliment ’yun kasi siyempre my Tita Claudine ’di ba napakagaling niyang aktres? ’Tapos ’yun nga nakaka-flatter siya kasi parang sinasabi niya rin na magaling ako ’di ba? Thank you, Papa,” say pa ni Julia.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

COFRADIA

DENNIS PADILLA

GINA ALAJAR

GLORIA ROMERO

GRETCHEN AND CLAUDINE

JULIA

JULIA I

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with