^

Pang Movies

Nora trinatong parang santa ng fans

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isang magandang anekdota na malinaw na naglahad kung paano tunay na sinamba ng masa si Nora Aunor, ang narinig namin sa pagdiriwang ng kanyang 60th birthday hosted by TV5. Nangyari ito more than a decade before ginawa ang Himala. Noon pa pala tila faith healer na si Ate Guy na puwedeng pagmilagruhan ang fans.

Sa tuwing uuwi ang Superstar sa bahay nila sa Pasay noon, galing sa various commitments, pagod na pagod na siya. Kaya deretso sa kanyang kuwarto upang matulog agad sa kanyang kama.

Kahit maraming bus ng mga excursionist galing sa iba’t ibang probinsiya, hindi na kayang harapin pa ng idolo ng masa. Ang ginagawa, kahit mahimbing na ang tulog ni Ate Guy, konti-konting pinapapanhik sa kanyang silid ang fans.

Kapag nandoon na, maaari silang humalik sa kamay ni Ate Guy, o kaya’y punasan ng mga panyo ang kanyang mga paa’t kamay. Mistulang imahen ng santa, ’di ba?

Hanggang ngayon, namamangha pang kuwento, tila naghihintay ng milagro ang mga tagahanga, sa kanilang pinaggagawa. Say nga ng isang alalay, meron din naman umaasang gaga­ling ang kanilang mga sakit. Mistulang Elsa sa Himala!

Jed magsasalita na ng buwelta kay AiAi?!

Nabalitang isasalang si Jed Salang this afternoon of May 25 to tell his side of the controversial split from AiAi delas Alas on GMA 7’s Startalk. Opinyon ng maraming taga-showbiz (hindi lang ng mga pralala ni AiAi), kaduda-duda kung sa isang TV station lang magsasalita ang ex-husband ng komedyana.

Ang hinala nila, baka tumanggap ng malaking ta­lent fee ang menchu kaya nabawasan agad ang kanyang credibility. Kapag sinabi kasing exclusive ang kanyang revelation, posibleng there’s money involved. Pati ang paglalahad ng ‘‘katotohanan,’’ pinagkakitaan!

Kung mapapanood naman natin si Mr. Salang na sinasalang sa ibang network tulad ng TV5 o maging sa ABS-CBN, mawawalang lahat ang ating hinala.

I’m sure hindi naman si Manay Lolit Solis ang bagong manager ni Jed, na baka tumanggap din ng komisyon!

Aktres biglang nagbabakasyon kapag may natipuhang lalaki, balik-trabaho ’pag nasagad ang ATM

Isang mahusay na aktres ang mahilig din bumi­li ng pag-ibig. Kapag marami na ang pera dahil sa sunud-sunod na assignments, bigla na lang siyang ‘‘nagbabakasyon’’. Siyempre kasama niya palagi ang kanyang boyfriend o ang tinatawag na flavor of the month, or flavor of the season. Parang ice cream!

Nagpapakaligaya ang premyadong aktres. Saka lang siya matatauhan kapag malapit ng masaid ang cash niya sa ATM. Biglang maghahanap agad ng mga bagong trabaho ang aktres. Madali naman siyang nabibigyan ng trabaho dahil she is one of the most competent actresses in town.

Award kay Bella huli na

Kung minsan, mahirap pilitin na ma-appreciate natin ang isang parangal na saka pa lang binibigay kapag namatay ang isang artista. Higit na mahalaga kung pararangalan ang tatanggap nito. Ano pa ang saysay kung yumao na siya?

Kung para na lang sa kanyang alaala, ibibigay ng Dakilang Lahi Foundation ang People’s Artist Award kay Bella Flores. Sabi nila, isang icon ang yumaong kontrabida at walang kapantay sa kanyang kategorya noong nabubuhay pa. Sayang naman at huli na, kahit sabihin pa nila na noon pa nila gustong ibigay ang award kay Tita Bella.

Indio puwedeng ipasok sa MMFF

Malapit nang matapos ang telecast ng Indio ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang sinasabi first and last te­ledrama ang actor/politician.

Kahit mawawala na ito sa television, higit na malaki pa ang ating manonood sa Indio: The Movie. Siyempre hihigitan nito ang mga sumubaybay ng anim na buwang action/fantaserye on GMA 7. Higit na itotodo ang budget at dadayo pa sila sa pinakamagandang location upang doon kunan ang pelikula.

Baka ito na rin ang maging entry ng GMA Films/Imus Productions sa darating na 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF), although wala pang opisyal na pahayag.

Willie magbubukas ng sariling TV station?!

Mapapahinga na ang television sa mga sigawan kapag hapon dahil nakatakdang magbakasyon sa TV hosting si Willie Revillame. Hindi na natin mapapanood ang pagsigaw niya sa mga babaeng kasali sa show, kapag meron siyang tantrum. Speculation ng mga insider, maaaring magbukas ng sariling TV network si Revillame sa kanyang pagbabalik sa eksena. Sobra-sobra ang kanyang pera upang gawin ito. Posible rin na makakakuha siya ng mga mayayamang kasosyo.

Siyempre hindi pa rin tayo tuluyang mapapahinga!

vuukle comment

ARTIST AWARD

ATE GUY

BELLA FLORES

INDIO

KANYANG

KAPAG

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with