^

Pang Movies

Kahit may edad na, Vivian Velez pinagpantasyahan ng batang aktor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi itinatago ng model turned actor na si Luke Jickain ang kanyang paghanga kay Vi­vian Velez.

Magkakasama ang dalawa sa sexy na drama series ng TV5 na Misibis Bay. Gaganap na boy toy lover ni Vivian si Luke.

Kuwento pa ni Luke na una niyang nakilala si Vivian noong mapasama siya sa cast ng Imortal ng ABS-CBN. Wala naman silang naging eksena ni Vivian pero bilib siya sa ganda at sexy pa rin ng aktres.

Hindi naman itinago ni Luke na type niya ang mga babaeng mas may edad sa kanya. Ang huli niyang girlfriend ay siyam na taon ang tanda sa kanya.

“I find mature women more experienced at mas marami silang pagmamahal na puwedeng ibigay. It’s not that I don’t like women na kaedad ko. I still like them. But iba ang mga tinatawag nilang mga cougar. They have so much to give dahil marami na nga silang napagdaanan sa buhay.

“And nakakagulat how they take care of their bodies. Like si Ms. Vivian, body beautiful pa rin siya at her age,” papuri pa ng Kapatid actor.

Magkakaroon daw ng ilang kissing scenes at bed scenes si Luke with Vivian sa Misibis Bay. Makokontrol kaya niya ang kanyang sarili ’pag kinunan na ang mga eksenang iyon?

 â€œAyokong sabihin na unprofessional ako. Kung ano ang gusto nilang gawin ko kay Ms. Vivian I am more than willing to do it. Pero kailangan ng approval from Ms. Vivian. Kung payag siya, walang magiging problema.

 â€œKahit paano, I still respect her for being Ms. Vivian Velez,” sagot ni Luke.

Sherilyn strict sa anak ’pag nagko-kontrabida

Isa si Sherilyn Reyes na pinuri ni Jean Garcia dahil sa realistic na pag-arte nito bilang kontrabida.

Sa Kakambal ni Eliana ay nagkaroon ng matinding confrontation scene ang dalawa kung saan kinabahan ng husto si Sherilyn.

Careful si Sherilyn dahil nga may one-year-old daughter siya na baka ma-trauma kapag napanood siya sa kanyang pagiging kontrabida.

 â€œAs much as possible, ayokong papanoorin si Eia ng mga show na nagsusu­ngit at tumatalak ako. Baka isipin niya na lukaret ang mommy niya kasi naman, madalas pa naman na pinagsusungitan ko ay mga bata. Baka naman pagtaguan na ako ng anak ko,” tawa niya.

“Sila Paoei at Quirsten kasi sanay na sila sa mga ginagawa ko. Alam nilang acting lang at hindi na sila affected. Itong baby girl ko ang iniingatan ko. Kapag talakera ang role ko sa isang show, binibilin ko na huwag ipapanood kay Eia,” paliwanag ng aktres.

vuukle comment

EIA

JEAN GARCIA

LUKE JICKAIN

MISIBIS BAY

MS. VIVIAN

MS. VIVIAN I

SHERILYN

VIVIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with