^

Pang Movies

Kalbaryo ni AiAi di pa tapos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pa natatapos ang kalbaryo ni AiAi delas Alas dahil habang tumatagal ay marami siyang natutuklasan tungkol sa kanyang estranged husband na si Jed Salang.

Kumbinsido na ako na hindi na makikipagbalikan si AiAi kay Jed, base sa mga ipinagtapat niya sa The Buzz.

Nakakaloka ang balita na umamin siya na sinasaktan siya ni Jed. May kuwento ako na narinig na parang isang sakong bigas na kinaladkad si AiAi sa isang insidente ng pag-aaway nila ng kanyang asawa.

So, alam na natin ngayon ang dahilan kaya may mga bodyguard na kasama si AiAi sa lahat ng mga lakad nito. Mabuti nang nag-iingat siya, lalo pa’t matitindi ang mga rebelasyon niya sa The Buzz tungkol kay Jed.

Hindi imposible na lumipad si AiAi sa Las Vegas, Nevada para mag-file ng divorce dahil doon sila ikinasal.

Grabe rin ang eksena na iyak nang iyak si Jed habang ikinakasal sila ni AiAi. Ini-replay ng The Buzz ang wedding scene at ito ’yung ikinukuwento na hindi tears of joy ang ipinakita ni Jed kundi tears of sadness dahil napilitan lamang siya na magpakasal.

Dahil sa pagsasalita ni AiAi noong Linggo, hi­ni­hintay ang sagot ni Jed. Magsasalita ba siya para malaman ng publiko ang kanyang panig at kung oo, saan?

Young actress na flop ang mga ginawang pelikula, nagmaldita nang hindi agad magsimula ang dinaluhang event

Nagmaldita ang isang young actress dahil hindi kaagad nagsimula ang showbiz event na dinaluhan niya.

Tumalak daw ang hitad na walang respeto sa oras ang production staff. Inirap-irapan din niya ang in charge sa production.

’Daaay, wala kang karapatan na magreklamo.

Anong walang respeto sa oras ang sinasabi mo? Bayad ka sa paghihintay mo at kung hindi dahil sa mother studio mo, wala ka sa showbiz ’no?!

Nakatikim lang ng katiting na popula­rity ang young actress lumobo agad ang ulo eh bano naman ang acting! Never pa siya nagkaroon ng pelikula na blockbus­ter at nag-rate lang ang kanyang mga TV show dahil ang co-stars niya ang pinapanood ng mga tao, hindi siya!

Ay, bakit ba ako nagpapaapekto sa kanya? Wala nga pala akong pakinabang sa hitad na young actress!

Butch naging close sa pamilya ni Bella

Si Butch Francisco ang isa sa mga unang nakiramay sa mga naulila ni Bella Flores na suma­ka­bilang-buhay noong Linggo.

Naging close si Butch sa pamilya ni Mama Bella dahil siya ang gumawa noon ng story ng veteran actress para sa Startalk.

May plano noon ang isang TV show na isadula ang life story ni Mama Bella. Nag-suggest si Butch na ang anak ni Mama Bella na si Ruby Arcilla ang gumanap na young Bella.

Hindi ko alam kung ano ang latest update dahil wala akong nabalitaan na natuloy ang pagsasadula sa life story ng Prima Contravida ng Philippine Movies.
                                           

 

vuukle comment

AIAI

BELLA

BELLA FLORES

DAHIL

MAMA BELLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with