Coverage ng tatlong network sa election, walang tigil!
Kanya-kanya na ng selebrasyon ang ilang pulitikong sigurado nang panalo sa bilangan Lunes pa lang ng gabi. Sa ilang lugar ay may firecrackers na bago pa maghatinggabi. At siyempre ang iba ay pasimple nang nakainom kahit may liquor ban pa.
Isang pulitiko nga ang halatang medyo marami na ang shot dahil sa kanyang phone-patch interview sa gabi sa isang TV news program ay lasheng na ang tunog ng kanyang pinagsasabi. Pero dahil bihasa na sa inuman ay maayos pa rin niyang nasasagot ang mga tanong ng news anchor. Kumbaga, wala siyang sablay o ’yung malayo ang sagot sa tanong. ’Yun nga lang mahahalata talaga na nakainom siya kasi tumagal din ng ilang minuto ang kanilang usapan.
Halos naging paulit-ulit ang election coverage ng tatlong higanteng TV stations sa ilang mga lugar habang ipinapakita ang mga bilangan nung May 13. Paulit-ulit sa pagpapakita sa mga siyudad ng Manila, Taguig, Quezon City, at Parañaque habang nakakaÂsingit naman ng madalas ang Maguindanao, Davao, at Cotabato nung umaga hanggang hapon. Pero ang ibang lugar ay walang TV exposure kahit may mga artista o sikat na pulitikong kandidato.
Katulad na lang sa Camarines Sur na hatinggabi na ng ipakita ang bilangan sa posisyon ni Aga Muhlach at sa Batangas na lugar ni Gov. Vilma Santos. Si Jinkee Pacquaio ay kahapon ng hapon na nahagip ng mga TV camera.
Mabuti pa sa social media na nag-unahan na ng pagpo-post ng litrato ang mga bumoto o kandidatong celebrity kaya alam na kung sinu-sino ang nasa precinct at kung nasaang lugar sila.
Nancy natulungan ng mga panlalait
Nakatulong pa kay Nancy Binay ang patutsada ni Vice Ganda dahil ang taas ng puwesto niya sa Magic 12 kahit ito ang una niyang opisyal na pagsabak sa pulitika.
Bukod doon at sa sikat niyang apelyido, isa pang maaaring dahilan ay ang kumalat na Nancy Binay jokes. Karamihan ay patama sa kanyang mas tustadong kayumangging balat.
Halimbawa, kapag hindi n’yo raw ibinoto ang anak ni Vice President Jojo Binay ay racist kayo. Mistulang egoy na ba si Nancy sa kaitiman?
Ang isa namang biro ay bababa raw ng 70% ang diskuwento sa glutathione pills kapag naideklara na siyang senadora.
Meron namang nagsasabi na bumabaha na ng Cerveza Negra ngayon sa Makati City na siyang balwarte ng mga Binay.
Lahat ay may konek sa maitim na balat ng kuwarenta anyos na si Nancy. Pero siguradong hindi ’yun iniinda ng pinakabagong pasok na Binay sa pulitika.
- Latest