^

Pang Movies

Action scenes ni Richard bitin na bitin!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kulang ang naipapakitang action scenes ni Richard Gutierrez sa Love & Lies sa ilang nakaraang episodes na ang bakbakan niya ay ’yung nasa kalye at eskinita. Hindi siya nabitiwan ng todo ng kanyang stunt director. Nahalata kasing ingat na ingat ang mga shot na para bang hindi puwedeng mabangasan o magalusan ang bida.

Kumpara sa action scenes nung superhero pa si Richard, mas dapat ngayon lumabas ang makatotohanan na aksiyon sa Love & Lies dahil totoong tao siya rito, isang Philippine Navy officer. Maaalala tuloy ang mga ginawa ng beteranong action stars noon tulad nina Fernando Poe, Jr. at Lito Lapid na kapag nakikipagsuntukan na sa kalye at bumabalandra sa mga lamesa at dingding ng bahay-bahay ay bugbog-sarado talaga ang hitsura nila. Humahagis-hagis sila kahit alam nating umaakting lang o choreographed ang eksena.

Halimbawa na lang ang makikita pa ring trademark sa pagbabalik sa action ni Sen. Lito sa Little Champ. Kahit may edad na ay walang takot kung dumausdos ng nakaluhod sa sahig. Kung gumamit man siguro siya ng ka-double ay ’yung tumatalon na lang sa matataas na lugar.

Sayang naman ang potential ni Richard bilang leading man kung malilimitahan at hindi na mabanat pa. Kung tutuusin bukod sa rom-com at light drama ay puwede naman siyang ihulma sa action films. Wala pang bagong action star ang local film industry na mayamang guwaping ang pigura pero matikas. Si Robin Padilla pa ang pinakahuli at idolo naman siya ng mga siga sa kanto.

Keri na sana ni Chard mag-ala-Channing Tatum ng Pilipinas. Mas may class pa nga ang background ni Richard kesa kay Channing na nagsimula bilang stripper pero mistulang matinee idol ngayon sa Hollywood, kahit lantad pang may asawa na siya. Eh si Chard single at wala pa namang anak ’di ba?

Pelikulang tagalog na kapapalabas pa lang, masaklap ang sinapit sa takilya

Masaklap ang sinapit sa takilya ng isang pelikulang Tagalog dahil nung unang linggo nitong ipinalabas ay kokonti lang ang mga nanonood hanggang mawala na lang sa mga sinehan nang hindi pa umaabot ng isang buong linggo.

Ang tsika ng isang ticket person sa maliit na sinehan nung Linggo ay wala pa raw bente katao ang pumapasok sa bawat screening nila. Nang mapadaan naman ako sa isang malaking sinehan nung Martes ng gabi, wala na ang pelikula sa kanilang listahan at puro foreign films lang ang palabas.

Hindi yata nagustuhan ng mga tao ang kombinas­yon ng tatlong bida o ang tema ng kanilang pelikula na nakita na sa dalawang naunang pelikulang Tagalog na pumatok ng husto at nagka-award pa.

Sexy actress iba-ibang lalaki ang dinadala sa Bora

May katuwiran nga ang ilang artista para hindi piliin ang Boracay kung may itinatagong milagro at ayaw maintriga. Ang dami kasing Pinoy na dumarayo sa maliit na isla ng Aklan. Ang daming mata at tenga na bukas sa bawat kibot ng mga bisitang celebrity kahit na, ayon sa ilang residente, ay hindi na sila gaanong pinapansin sa kahabaan ng Station 1 hanggang 3 dahil normal na lang daw ang kagandahan at kaguwapuhan nila sa pinuputakting tanyag na white beach destination.

Tsika ng isang source, isang sexy actress ang unang nagpasasa na sa anak ng isang aktor-pulitiko. Dinala niya roon ang binata na ngayon ay masaya na sa pi­ling ng isang aktres. Ang nakakaaliw, nung sumunod na punta ng sexy actress sa Boracay ay iba na namang guy ang kasama niya. Paborito pala niya ang mataong isla na pinagdidispleyan ng mga nakaka-date.

Ang sabi naman ng isang matabil din ang dila, isang TV host-chef na ga­ling sa kilalang angkan ang mahilig tumawad ng mga paninda sa nakapalibot na maliliit na souvenir shops. Hindi raw nahihiyang mangbarat ang sosyal na celebrity. Kasama niya sa pamimili ang isang komedyante na na-link sa poging foreign heartthrob. Nakakapagtakang best friends pala sila.

Ang isa namang mataray na sexy comedienne ay pasaway talaga lalo na kapag nakakainom. Ugali raw nitong mag-angat ng bikini top kapag may amats na. Bentang-benta naman sa mga nakapaligid ang sinasadyang pag-peak-a-boo ng kanyang dalawang malulusog na alaga!

Imporma naman ng isang source, kulang na lang ay magladlad na talaga sa publiko ang isang young actor na contract artist ng isang malaking network at nagbida na sa indie film. Dati nang kuwestiyonable ang kanyang kasarian pero sa bakasyon niya nung weekend sa Boracay ay kumpirmadong miyembro nga siya ng third sex. Dyowa niya pala ang anak ng isang resort owner doon.

Ang aktres naman na kontrobersiyal pero kasalukuyang walang proyekto ngayon ay mabait daw sa mga tao kung nagsa-shopping ng mga pasalubong. Taliwas sa napapabalita na laging pagmamaktol niya dahil sumpungin. Bumili rin daw ito ng mamahaling property sa isang pinapatayong malaking resort town malapit sa Caticlan Airport. Mapera pa pala siya.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

BORACAY

CATICLAN AIRPORT

CHANNING TATUM

ISANG

LANG

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with