^

Pang Movies

Dalawang aktres sa serye nagpaplastikan lang, hindi naghaharap pag nasa taping

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

True kaya na hindi pa rin nawawala ang iringan ng dalawang drama actress na ito?

Kine-claim daw nila na okey na silang dalawa at tapos na ang naging problema nila. Pero iba ang napapansin ng production staff ng isang teleserye dahil ramdam pa rin nila na may gap ang dalawa sa isa’t isa.

Tuwing breaktime nga ay hindi sumasabay sa pagkain si Drama Actress A kapag nandyan si Drama Actress B. Nandoon lang siya sa kanyang tent at busy sa paglalaro ng 4 Pic-1 Word.

Kapag sinabi na ng alalay nito na wala na sa lamesa si Drama Actress B, doon lang lalabas si Drama Actress A para kumain at makipagtsikahan.

Kapag nakita naman ni Drama Actress B na nasa lamesa si Drama Actress A, hindi na ito magtatangkang umupo pa at may kakausapin na lang sa kanyang cell phone sa loob ng kanyang sasakyan.

 Kahit ang mga co-stars nila ay naguguluhan sa dalawa dahil hindi na nila alam  ang tunay na situwasyon ng dalawa. Kaya quiet na lang sila para walang masabi ang bawat isa.

Zendee may duet kay Jason Mraz

Masuwerte nga ang YouTube sensation at nakilalang Random Girl na si Zendee Rose Tenerefe dahil special guest siya ng international singer na si Jason Mraz sa magaganap nitong concert sa Smart Araneta Coliseum on May 14.

Hindi lang basta front act ang gagawin ni Zendee dahil magkaaroon pa sila ng duet ni Jason Mraz ng hit single nito na Lucky.

Aawitin din ni Zendee ang ilang songs niya sa kanyang debut album na I Believe na kaka-launch lang noong April 30.

Masayang-masaya nga si Zendee dahil isa-isa nang natutupad ang kanyang mga pangarap. Dumating nga raw lahat ng suwerte sa kanyang buhay dahil sa tulong ng kanyang pagdarasal sa Panginoon.

 â€œLahat po nang pinagdasal ko ay natutupad na ng paisa-isa. Parati po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga nangyayari sa buhay namin.

 â€œAng gusto ko lang po ay ang matulungan ang pamilya ko na umangat sa buhay. Ngayon nangyayari na iyon dahil sa binigay na talent sa akin ng Panginoon,” sey ni Zendee.

At kahit nakatanggap siya ng iba’t ibang mga komento sa paglabas niya sa show ni Ellen DeGeneres Show last year, isa iyon sa pinakamalaking nangyari sa buhay niya.

“Maraming nagbago po sa buhay ko after guesting sa Ellen.

“Nagkasunud-sunod po ang mga trabaho ko. Nagkaroon po ako ng TV commercial, out-of-town shows at itong album nga po. Tapos kinuha pa akong guest sa concert ni Jason Mraz.

“Kahit na may mga humuhusga sa akin sa Twitter at Facebook, okey lang iyon. Opinyon po nila iyon.

“Ang gusto ko lang ay makilala nila ako nang husto. Get to know me first bago sila mag-judge. Dahil simpleng tao pa rin ako na ang gusto lang ay ang makatulong sa aking pamilya.”

Pacman tatapusin muna ang eleksyon bago maghanda sa laban na gaganapin sa Macau

Binalita sa Yahoo Sports na babalik nga ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa boxing ring on November 24 at makakalaban nito si Brandon Rios. Sa Macau nga raw magaganap ang kanyang laban.

Sinabi ng kanyang promoter na si Bob Arum sa The Associated Press na pagkatapos ng pag-asikaso ni Pacman sa kanyang political career ang laban na nito kay Rios ang kanyang paghahandaan.

“We want to get the people a really good, exciting action fight. Rios is an exciting fighter, so it’s a good matchup,” diin niya.

Ang pagpili nga sa Macau ay isang malaking katanungan ng mga supporters ni Pacman. Since 2006 kasi ay sa US lang parati nagaganap ang laban ni Pacman.

Ngayon ay sa Cotai Arena in Macau’s Venetian Resort Hotel gaganapin ang laban. Isa nga raw itong paraan para makuha nila ang pay-per-view marker sa bansang China.

 â€œWe think it opens a tremendous market in China because it enables us to do pay-per-view there in ways that we haven’t done before,’” sey ni Arum.

vuukle comment

DAHIL

DRAMA ACTRESS A

DRAMA ACTRESS B

KANYANG

LANG

MRAZ

PACMAN

ZENDEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with