^

Pang Movies

Eula sarap na sarap sa ipinakakain ni Rocky

PARINIG NGA! - Lanie M. Mate - Pang-masa

Mapapasabak pala sa fighting scenes si Gabby Con­cepcion sa kanyang palabas na Cassandra: Warrior Angel ng TV5 bilang tatay ng bida na si Eula Caballero.

Ganado raw siya sa ganitong eksena dahil kakaiba ito sa kanyang mga nagawang drama series.

Seryoso si Gabby sa pagsasabing isa sa dream role niya ang gumanap na isang drakula.

Samantala hindi alam ni Gabby kung nakasilip si Rocky Salumbides, ang BF ni Eula Valdez sa isa sa eksena ng Cassandra… habang kinukunan ang kissing scene nila. Kuwento ni Gabby na after ng take ay okey naman daw ang bonding nila nina Eula at Rocky kaya alam niyang hindi naman nagseselos ang karelasyon ni Eula Valdez.

Hindi naman ipinaalam ni Eula sa kanyang dyowa na meron siyang kissing scenes kay Gabby. Hindi naman daw kasi big deal ‘yun sa kanya dahil trabaho lang ‘yun. After ng take ni Eula ay may nagbulong sa kanyang umalis daw si Kulot, tawag nila kay Rocky, habang kinukunan ang eksena. Katuwiran ni Rocky ay hindi raw siya nakatiis kaya lumabas siya sa set.

Sinasabi lang ni Rocky na okey lang sa kanya ‘yun dahil  trabaho ‘yun ni Eula. Pero sa loob daw nito ay may kurot pa rin at may selos na naramdaman.

“Halik pa rin yun,” katwiran ng hunk boyfriend ni Eula sabay tawa.  “Ewan ko ba sa kanila kasi artista sila kaya madaling mawala ‘yun, pero sa utak ko ang hirap tanggalin ang ganung eksena,” katwiran ng model/actor na umani na rin ng acting awards sa kanyang dalawang ginawang indie film kung saan siya unang nakipaghalikan pero tinamaan daw siya ng trauma kaya ayaw muna uli niyang makipaghalikan sa mga eksena.

Naka-jackpot si Eula kay Rocky dahil masarap palang itong magluto na hindi lang si Eula ang sarap na sarap pag kumain kundi pati na rin ang mga anak ng aktres. Kahit simpleng ulam o putahe ay napapasarap daw nitong iluto. Sanay daw kasi si Rocky na magluto dahil siya ang nag-alaga sa kanyang apat na kapatid noon sa probinsiya nila.

Pero kahit malakas kumain si Rocky, hindi siya ma­taba. Less rice raw ang kain niya kasi mabigat daw sa tiyan ang kanin kaya puro ulam ang nilalanta­kan niya.

Ayaw din niya sa mga fast food dahil puro tigyawat naman daw ang nakukuha niya na dyahe nga naman sa kanyang modeling at acting job. “Sobra siyang maasikaso,” hirit pa ni Eula tungkol sa pag-aalaga ng BF sa kanilang mag-iina.

Albie napilitang mag-mature

Inamin ni Albie Casino na naging malupit ang pinagdaanan niya sa showbiz pero marami raw siyang natutunan kaya naging mabilis din ang kanyang maturity. Hindi rin naging hadlang ang kanyang problema noon para tumigil siya sa kanyang career. Katunayan kahit naka-enroll pa siya sa kursong Export Management sa St. Benilde College kung saan 2nd year na siya ay isinasabay niya ito sa kanyang mga commitment tulad ng palabas niya sa Cassandra… na isa siya sa partner ni Eula Caballero.

vuukle comment

DAW

EULA

EULA CABALLERO

EULA VALDEZ

KANYANG

NIYA

ROCKY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with