Charlene nalulula na sa sobrang dami ng mga nagboboluntaryong artista para kay Aga
Wow, Salve A., ayaw talagang paawat ang mga kasamahan ni Aga Muhlach sa showbiz sa pagtulong sa kanyang pangangampanya bilang congressman ng third district ng Camarines Sur (CamSur), lalo’t pa nga at two weeks na lang at election day na. To be exact, May 13.
On May 2, for example, guess who are going?
Regine Velasquez, Direk Joyce Bernal, Andrew E., and Martin Nievara. Yes, the Concert King.
Joining them, too on this particular date are Ogie Diaz and Arlene Muhlach, Aga’s elder sister.
Ogie and Arlene are gradually getting to be known as a comedy team. Bagama’t may kanya-kanya rin silang assignment. Halimbawa, now ay nasa cast si Arlene ng upcoming movie Bromansa, starring Zanjoe Marudo, who will play a dual role.
Gaganap si Arlene bilang nanay ni Zanjoe who plays both gay at isang lalaking macho na macho. Direction: Wenn Deramas.
Ogie is in the cast of the malapit nang mamaalam na series na May Isang Pangarap. Host din siya ng showbiz talk program, SIR (Showbiz Inside Report).
Salve A., heto ang tiyak na aabangan ng mga taga-CamSur. Actually, ’di lang ng taga-district, na siyang gustong ire-present ni Aga sa Kongreso, kung hindi by the population of the entire province. The date: May 3.
P-Noy, no less, will join Aga on May 3 in his campaign tour to personally endorse him. Boy Abunda, co-host sa The Buzz ni Charlene Gonzales na misis ni Aga, will also join.
On May 4, darating naman sina Willie Revillame, Liezl Martinez and husband Albert, and Randy Santiago.
May 6 pupunta sina Cesar Montano at Bayani Agbayani ang darating.
Sa May 7 ay sina Ai-Ai delas Alas, Derek Ramsay, at Ritz Azul ang dadalo.
And on May 8, sina Pokwang naman, kasama sina Daniel Padilla with Mommy Karla Estrada na magdyo-join sa kanyang campaign endeavors ni Aga.
‘‘Sa totoo lang I’m overwhelmed with this wonderful gesture ng mga kasamahan namin ni Aga sa industriya,†sabi ni Charlene in a conversation we had with her recently.
‘‘Nakakalula, sa totoo lang. Hindi namin maÂkakaÂlimutan itong mag-asawa habambuhay.â€
Earlier ay naka-join na ni Aga sina Angel Locsin, Coco Martin, at Sharon Cuneta sa kampanya.
In the case of Mother Lily Monteverde, sa ibang paraan niya ginawa ang pagsuporta kay Aga. Ganun din ni MVP (Manny V. Pangilinan), yes, ng TV5 where Aga is now currently under contract to.
‘‘Of course, ‘di ko rin makakalimutan ang ABS-CBN,’’ pahayag ni Aga. ‘‘Any news about me, I know kapag may relevance rin naman, they always feature it.’’
For more than 20 years, Aga was a contract star ng ABS-CBN.
Too bad that he failed na matanggap personally ang award ng best actor in a comedy for the movie Of All the Things (nila ni Regine Velasquez) in the recently-concluded Golden Screen Awards.
In the case of Regine, personal niyang natanggap ang best actress trophy sa parehong pelikula.
Winner of best actor naman sina Eddie Garcia, for Bwakaw, and Alfred Vargas, Ang Supremo. Nag-tie sila.
In the best actress (for drama) category, si Gina Alajar naman ang nanalo.
- Latest