^

Pang Movies

Paulo sumusunod lang sa utos ng direktor kahit awkward ang pakiramdam

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung sa grand presscon ng The Bride and the Lover ng Regal Entertainment, Inc. ay walang gustong sagutin ang tanong kung sino kina Lovi Poe at Jennylyn Mercado ang bride at ang lover, sa Kris TV nang mag-guest si Paulo Avelino with Hayden Kho, Jr., sinabi niyang ang bride ay si Lovi at ang lover ay si Jennylyn. Pero sa premiere night na lamang sa Monday, April 29, SM Megamall Cinema 10, malalaman ang lahat ng kasagutan.

Nagulat naman si Direk Joel Lamangan nang malaman niyang iniyakan ni Lovi ang intimate bed scene nila ni Ahron Villaflor sa movie. Hindi raw niya alam na ayaw pala ng aktres ang kanyang ginagawa. Pero pinuri ni Direk Joel sina Lovi at Jennylyn na parehong magaling on how they attack their roles. Na-intimidate naman siya kay Hayden Kho, Jr. na guwapo raw pala at akala tuloy niya ay siya si Dr. Vicki Belo. Maganda raw ang attitude ni Hayden sa trabaho.

Masuwerte naman ang pakiramdam ni Paulo na naka-love scene niya sina Lovi at Jennylyn. Kung intimate ang love scene niya sa una, mas subtle at mellow naman ang sa kanila ng huli. Minsan daw ay awkward din ang feeling pero sinusunod lamang nila kung ano ang inuutos sa kanila ni Direk Joel.

16 showbiz personalities bibigyan ng Dekada Award

Si John Lapus ang host ng 10th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (Enpress) mamayang gabi sa Teatrino, Greenhills, sa San Juan, Metro Manila. Bukod sa 21 awards, magkakaloob ng Dekada Award ang gru­po sa mga nanalo na ng dalawa o higit pang awards sa loob ng sampung taon.

Bibigyan sila ng Gallery of Distinction trophy. Ang 16 Dekada Awardees ay sina Ara Mina, Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, Eugene Domingo, Maricel Soriano, Iza Calzado, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, Tirso Cruz III, Aga Muhlach, Coco Martin, Sid Lucero, Direk Jeffrey Jeturian, Atty. Joji Alonso of Quantum Films, Malou Santos of Star Cinema, at Antonio “Tony” Tuviera of APT Entertainment.

Tribute sa Master Showman ngayong gabi na mapapanood

Mamaya, at 9:30 p.m., sa GMA 7, ay mapapanood ang kabuuan ng 50 Years with the Master Showman na ginanap sa Resorts World Manila last April 24. Isang tribute ito na ibinigay ng GMA Network kay German Moreno na naging loyal sa network simula pa nang pumasok siya rito. 

Tiyak na ikatutuwa ng fans na sumubaybay kay Kuya Germs ang mapapanood nila na magkatulong na binuo at dinirek nina Al Quinn at Louie Ignacio.

Claudine nadagdagan ng isa pang kakampi

Sad ang nangyayari ngayon sa mga Barretto sa pagkakampihan nila. Si Gia Barretto-Reyes naman ang nagpadala ng letter from Boston, Massachusetts na ipinagtatanggol niya si Inday Barretto at sister na si Claudine. Say niya, understandable na kampihan ni Jay-Jay Barretto si Gretchen dahil he is in her employ. 

Pinahihinto na rin ni Gia si Gretchen na alam niyang ayaw nito sa family niya, gano’n din sila na ayaw nila kay Gretchen.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

AHRON VILLAFLOR

DEKADA AWARD

DIREK JOEL

GRETCHEN

HAYDEN KHO

JENNYLYN

LOVI

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with