^

Pang Movies

Kris hindi inasahan ang pagiging no. 1 tax payer ng BIR, nag-compute rin kung ilang teachers, police at nurses ang napasulweldo sa P50M

- Vinia Vivar - Pang-masa

Naiulat na nga na si Kris Aquino ang top individual taxpayer natin for 2011 kung saan ay nagbayad siya ng almost P50M sa buwis at nahigitan pa ang taxes ng ating mga bilyonaryong negosyante sa ’Pinas.

Sa Kris TV kahapon ay sinabi ni Kris na iniisip na lang niya na ang kanyang ibinabayad sa buwis ay napupunta rin sa ating mga kababayan kaya hindi masyadong masakit sa kanya.

“Iniisip ko para ’di ka na lang ma-feel bad na ang laki ng kaltas sa iyo eh, at least, napunta sa mga maraming nagbibigay serbisyo sa ating Pilipino. ’Yun na lang ang isipin n’yo kapag nandadaya kayo sa tax ay kapwa Pilipino ang dinadaya natin,” she said.

Ayon pa kay Kris, ni-research niya at nagtanung-tanong din siya kung saan ba napupunta ang perang ibinabayad niya sa tax at base sa kanyang research ang P49.8 million na ibinayad niya sa tax in 2011 ay makakapagpasuweldo sa 3,125 government teachers and nurses, 2,500 police officers, or 3,846 barangay captains.

“Hindi ko naman kikitain ‘yon kung hindi dahil sa kanila kasi everyday n’yo akong pinapanood,” say pa niya.

Ayon pa sa Queen of All Media ay hindi niya akalaing siya ang magiging No. 1 sa listahan ng top taxpayers.

“I didn’t expect to be number one. I knew na malaki ang ibinayad ko pero hindi ko ini-expect na ako ang magta-top,” saad niya.

Pero klinaro rin ng actress/TV host na hindi lahat ng kinikita niya ay galing sa ABS-CBN dahil 70% daw nito ay galing sa endorsements.

“Para lang klaro baka kasi akala niyo super laki ay nanggaling sa (ABS-CBN) pero seventy percent ng suweldo ko ay nanggagaling sa endorsements.

“So thank you very much sa inyo kasi ang tax na ‘yan, nanggaling naman talaga ‘yung pambayad niyan dahil malaki ang kinita ko dahil sa tiwala at sa suportang ibinibigay niyo sa akin through the years. Kaya happy ako na sa Pinoy din bumalik ang pera na ’yon,” giit pa ni Kris.

Composer ng theme song sa Teen Gen pasok na ring artista

Masayang-masaya si Mikoy Morales na isinama na rin siya sa Teen Gen ng GMA 7 na napapanood every Sunday bilang isang playboy musician at makakapareha niya ang anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. and Rep. Lani Mercado na si Gianna Revilla.

So far, positibo ang mga comments sa Facebook sa pagpasok niya sa nasabing youth-oriented show kaya natutuwa naman ang bagets.

Mukhang nagbubunga na nga ang paghihintay ni Mikoy dahil guest din siya sa seryeng Love and Lies bilang best friend naman ni Jeric Gonzales na in real life ay BFF din niya dahil nagkasama sila sa Protégé at pareho silang under Jolina Magda­ngal’s mentorship.

After Protégé kasi ay hindi kaagad nabigyan ng serye si Mikoy pero hindi naman siya nagtampo dahil naniniwala siyang alam naman ng manage­met ang makabubuti for him.

Napapanood din si Mikoy sa Party Pilipinas sa Team B ni Direk Rico Gutierrez together with boy band P4. Dito naman niya nailalabas ang musicality niya. By the way, siya rin ang nag-compose ng theme song ng Teen Gen.

Samantala, nais ipaalam ng manager ni Mikoy na si Becky Aguila na ongoing na ang Becky Aguila Summer Workshop in acting, singing, dancing, and modeling.

Ang workshop na ito ay bukas para sa mga bata, teenagers, and adults. For inquiries, please call or text Tita Cecille at 0917-7452399.

     

AFTER PROT

AYON

BECKY AGUILA

BECKY AGUILA SUMMER WORKSHOP

MIKOY

NIYA

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with