^

Pang Movies

Kalaswaan ng actor sa ibang babae nabisto sa cell phone ng nonshowbiz wife

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bistado ng nonshowbiz wife ang asawang celebrity dahil sa video ng kanyang kabit na nakita nito sa cell phone ng asawa. Hindi naman malaswa ang video na nakita ng asawa pero nandoon ’yung paglalandi ng girl sa celebrity, huh!

Gusto nang hiwalayan ng babae ang asawa. Pero pinipigilan siya ng mga kaibigan dahil tiyak na makaapekto ito sa career ng dyowa. Alam naman kasi ng babae ang pambababae ng asawa pero ’yung mahuli ito, masakit para sa kanya.

Hindi naman guwapo ang asawa pero sadyang mahilig lang talaga sa babae. Dala marahil ’yon sa kasikatang tinatamasa ng lalaki kaya para tumaas ang ego, nandoon ’yung magagandang babae ang target niyang matikman, huh!

Anne naghahanda nang mag-pre-school teacher, nag-enrol sa Australia

 Umiiral ang pagiging “cow girl” ng magkapatid na Anne at Jasmine Curtis tuwing nagkakasama sila sa bahay. Higit nga lang na mas makulit si Anne kesa sa batang kapatid.

Pero likas mang maingay at malakas ang boses ni Anne, taliwas ito sa matagal na niyang ambisyon na maging pre-school teacher. Dapat behaved siya ’pag teacher ng mga bata na natural din ang kakulitan at ingay.

Upang matugunan ang pangarap ni Anne, nagawa na niyang mag-enroll sa isang open university sa Australia. Hindi naman ito magiging balakid sa career niya bilang artista.

“The good thing about the open university that I enrolled, it doesn’t require you to make and absent…taking leave of absence sa work mo. What’s good there pinadalhan na nila ako ng student ID! Eeeee! Nakakakilig lang. It’s a new experience for me to have school ID,” balita ni Anne sa presscon niya bilang endorser niya ng Double Mint gum.

“Ito talaga ang gusto ko. Parang in the long term what will I do? Pre-school teacher talaga ang gusto ko. Since I gonna invest time naman, ’yun na lang.”

Anyway, sa July mapapanood sa Cinema One ang past movies ni Anne gaya ng No Other Woman, Cute ng Ina Mo, at iba pa.

Gladys excited mapanood ng mga anak na hindi nagtataray

Nagbabalik uli si Gladys Reyes sa GMA 7 sa family series na Home Sweet Home. Na-miss na raw kasi niya ang mang-api pero mas ikinatutuwa niya ’yung bagong programa dahil mapapanood na siya ng mga anak niya.

“Mas nai-excite ako lalo na sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ako. Alam mo ’yon? Sobra akong conscious sa ipinapanood ko sa mga anak ko dahil ganoon ako ka-vigilant. Lalo na ito dahil family-oriented show, may araw. “Excited ako na ito, puwede kong ipapanood sa mga anak ko,” paliwanag ni Gladys na first time ring makakatrabaho sina Raymart Santiago at Celia Rodriguez.

vuukle comment

ALAM

ANNE

CELIA RODRIGUEZ

CINEMA ONE

DOUBLE MINT

GLADYS

GLADYS REYES

HOME SWEET HOME

INA MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with