^

Pang Movies

LT naghihintay pa ring magparamdam si Rudy!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No problem kay Lorna Tolentino kung ang kasunod niyang project sa GMA Network ay isang special role sa new telefantasya na Home Sweet Home.

Siya ang magbubukas sa story na tampok ang family nina Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, Jake Vargas, at Jillian Ward.

“Na-excite ako nang ikuwento sa akin ni Direk Gil Tejada ang character ko kasi naiiba,” natatawang bungad ni Lorna. â€œAko ang magiging first victim of the house na bawat pumasok sa room ng bahay, naiiba ang character niya. Hindi kami magkikita ni Raymart. Ewan ko lang sa pagbalik ko sa finale na babalik na ang original character ko.”

Wala namang multo sa story niya pero minsan daw na tahimik sa room parang may tao at biglang pumasok sa isip niya ang yumaong asawa at tanong niya: “Ikaw ba ’yan, Rudy (Fernandez)?

“Hindi naman ako natatakot kung magpapakita siya pero wala naman akong naramdaman pa kaya naniniwala ako na tahimik na siya. He is really resting in peace na.”

Sinagot din ni Lorna ang tungkol sa breakup ng bunso niyang si Renz na seven months pala ang naging relasyon sa actress na si Maxene Magalona. Naniniwala siyang mutual decision iyon ng dalawa, na pareho pang mga bata, but at least na-maintain pa rin nila ang friendship nila. Totoo kayang si Coleen Garcia ang dahilan ng breakup?

“I don’t think so. Magkatambal lang sila sa Little Champ at hindi ko pa rin nami-meet personally si Coleen. Napapansin ko lamang na medyo malungkot pa rin si Renz ngayon pero nandoon naman kami ni Raf at close friends niya. Madalas namin siyang sinasamahan. Friends pa rin sila, kaya who knows baka magkabalikan pa rin sila,” paliwanag ni LT.

Biniro namin si Lorna kung wish ba niyang ang susunod niyang project sa GMA 7 ay rom-com para light ang story at hindi iyong lagi na lamang siyang umiiyak?

 â€œNaku, parang hindi na bagay sa akin ang ganung story,” say ni Lorna na natatawa. â€œInaayos pa ng GMA 7 ang next project ko kaya libre muna akong mag-shooting ng Burgos na I will play the role of the mom, Editha (kasama ko rito si Tirso (Cruz III) as my husband and Rocco Nacino as Jonas, ang nawawalang anak nila. This will be shown at the Cinemalaya Independent Film Festival sa July).”

Jose at Wally tinalbugan ang Bb. Pilipinas Gold

Congratulations to Jose Manalo and Wally Bayola dahil mas ginustong panoorin ng televiewers ang replay ng kanilang Jose and Wally Concert: A Party for Juan and All sa Smart Araneta Coliseum last March 15 kesa Bb. Pilipinas Gold na live na napanood sa Smart Araneta Coliseum.

A PARTY

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

COLEEN GARCIA

DIREK GIL TEJADA

HOME SWEET HOME

LORNA

PILIPINAS GOLD

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with