^

Pang Movies

Kris nagbayad ng halos P50 million sa BIR, tinalbugan sina MVP, Charo Santos, at Felipe Gozon

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Queen of All Media ang nangu­nguna sa listahan ng Top 500 Individual Taxpayers For Tax Year 2011 na makikita sa website ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ilan pa sa malalaking pangalan na pasok sa malaki ang binayarang tax ay sina Vic Sotto, Joey De Leon, Derek Ramsey, Piolo Pascual, Kim Chiu, Manny Pacquiao, Michael V, at Willie Revillame.

Sa listahan, ipinakita ang binaya­ran ni Kris bilang Regular Income Taxes Paid To The Philippines nung 2011 ay P49,871,657.37. Siya na ang pinakamalaking binayaran among showbiz personalities mula sa kanyang mga kinita.

Hindi na ito nakakagulat dahil sa rami naman ng endorsements, shows and movies ni Kris ay siguradong napakalaki talaga ng kinikita ng magaling na host at aktres. Ang maganda lang kay Kris ay napaka-honest nito sa pagde-declare ng kanyang  income at ibinabayad na buwis. Ito ang dapat gayahin ng ibang mga artista para naman hindi na sila hinahabol ng BIR.

Ang iba pang artistang nasa listahan ay sina Vic Sotto na nasa No. 19 at nagbayad ng buwis na P14,728,940.14, at ang kanyang kaibigan na si Joey de Leon na nasa No. 28 at nagbayad naman ng P12,478,595.88 na buwis.

Ang leading man ng dalawang 2011 box-office hit movies na No Other Woman at The Unkabogable Praybeyt Benjamin na si Derek Ramsay ang nasa No. 120 na may income tax na P7,076,553.71.

Si Piolo Pascual na may binayarang buwis na P6,981,393.47 ang nasa No. 123, habang ang kapwa Kapamilya na si Kim Chiu ang nakapuwesto sa No. 133 dahil sa binayarang P6,711,100.76 income tax.

Nasa No. 158 si Manny Pacquiao na nagbayad ng P6,106,040.96, habang nasa No. 178 naman ang Kapuso niyang si Michael V na may buwis na P5,901,711.79.

Nakapuwesto sa numerong 181 ang Wowowillie host na si Willie Revillame na nagbayad ng P5,852,304.08 bilang buwis.

No. 184 naman si Ogie Alcasid na nagbayad ng P5,806,981.48, No. 191 si Sharon Cuneta na may income tax na P5,741,064.46, No. 194 si Ryan Agoncillo na may P5,598,648.01 tax paid, at No. 205 ang drama prince na si John Lloyd Cruz na nagbayad ng P5,407,268.27 na income tax.

Nasa No. 490 naman ang dating presidente, aktor, at kumakandidatong Mayor ng Maynila na si Joseph Estrada na nagbayad ng P3,505,157.94 income tax.

Sa mga TV bosses naman na nasa 2011 Top 500 Taxpayers list, nangunguna ang TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan na nasa No. 4 at nagbayad ng P25,992, 131,86.

Pumuwesto sa No. 10 si GMA-7 chief executive officer and chairman Felipe Gozon na may buwis na P19,587,983.60.

Nasa No. 20 ang TV5 president and CEO na si Ray Espinosa na may P14,483,402.44 na income tax, at No. 33 si ABS-CBN president and CEO at Maalaala Mo Kaya host na si Charo Santos-Concio na may P11,608,752.43 na buwis.

                                                                            

 

vuukle comment

BUWIS

INCOME

KIM CHIU

MICHAEL V

NAGBAYAD

NASA

NASA NO

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with