^

Pang Movies

Snooky ayaw tularan ng mga anak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

At age 47, beauty pa rin si Snooky Serna, na isa sa sinasabing “beautiful faces in showbiz,” kaya no wonder na siya ang pinili nina Drs. Levi and Anna Marie Lansangan na maging endorser ng Comprehensive Human Stemcell Therapy at siyang nag-cut ng ribbon sa opening ng kanilang third branch ng Shimmian Manila Surgicenter sa SM Pampanga in San Fernando na dinaluhan ng ilang invited entertainment press. May dalawa na silang branches sa Medical Plaza Ortigas at sa Tomas Morato in Quezon City.

Biniro si Snooky na may bagong love siguro siya kaya beauty pa rin. Loveless daw siya pero happy ang buhay niya dahil after niyang magbalik muli sa showbiz sa pag-sign ng managerial contract sa Growl Entertainment ay nagkasunud-sunod na ang projects niya at dream come true sa kanya na isa na siya sa cast na bubuo sa remake ng Anna Liza sa ABS-CBN. Hindi rin siya mapili sa role, bida man o kontrabida. 

Mas pinagtutuunan ni Snooky ngayon ang kanyang work at ang dalawang anak na dalaga na, sina Sam at Sachi na studies ang concern ay ayaw pumasok sa showbiz kahit parehong beauty din. Kinulit pala niya noon ang dalawang anak na kung ba­kit ayaw mag-showbiz. Natawa raw siya sa sagot nila na ayaw nila ng buhay ng mommy nila. Nakita nila kung paano siya nahirapan kapag may shooting at nakikita nilang nasasaktan ang ina sa mga eksenang ginagawa. 

Ang iba pang endorsers ng Shimmian Manila Surgicenter ay sina Bea Binene, JC de Vera, Arsi Munoz, Bryan Termulo, Tippi de Santos, JayR. 

Akting nina Jennylyn at Lovi minanduhan ni Direk Joel

Ngayong umaga ang pocket interview kina Lovi Poe at Jennylyn Mercado para sa movie nilang The Bride and the Lover ng Regal Entertainment, Inc. Umamin kaya ang dalawa na nagkasakitan sila talaga sa isang catfight nila sa movie na dinirek ni Joel Lamangan? Knowing Di­rek Joel, hindi siya pumapayag kung hindi mukhang totoo ang eksenang ginagawa nila. Kaso nga, hindi nagustuhan ni Direk Joel ang acting nina Lovi at Jen kaya ilang takes ang nangyari, ang ending, pasa-pasa ang dalawa.

Pero bago pa lamang noon si Lovi sa GMA, si Jennylyn ang unang nakasama niya sa afternoon soap kaya naging friends agad sila. Kaya no problem sa kanila kung gawin nilang makatotohanan ang eksenang hinihingi ni Direk Joel dahil pareho naman silang professional na artista. 

Sa May 1 na ang opening date ng hot summer movie na nagtatampok din kay Paulo Avelino na dahilan ng awayan nina Lovi at Jennylyn. Bubuo rin sa cast sina Joem Bascon, Hayden Kho, Jr., Timmy Cruz, Buboy Garrovillo, Alex Castro, at Snooky Serna.  Introducing si Carla Dunareanu, girlfriend ni Christian Bautista.

vuukle comment

ALEX CASTRO

ANNA LIZA

ARSI MUNOZ

DIREK JOEL

JENNYLYN

LOVI

SHIMMIAN MANILA SURGICENTER

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with