^

Pang Movies

Katya may bundle of joy na

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Gandang-ganda ang kasabayang pasyente ni Katya Santos sa pagpapa-checkup ng da­ting Viva Hot Babe sa OB-Gyne doctor nito sa Lourdes Hospital sa Quezon City. Kahit daw buntis ay maganda pa rin ang kurba ng katawan nito at maaliwalas ang mukha.

Kaya lang tinawag si Katya ng secretary ng doktor na Santos pa rin ang surname na ginagamit ng dating sexy actress. Kasama nito ang kanyang singkit na asawa na nakita ng ibang pasyente na nakaalalay sa kanya.  Natutuwa ang ibang nakamasid dahil mukhang masayang-masaya raw si Katya kasama ang supportive niyang guwapong dyowa na pagkaka-describe ng mga nasa ospital at mukhang kasing edad lang din daw ng aktres.

Sabagay, si Katya at si Maui Taylor ang ilan na lang sa wala pang asawa at anak sa mga kasabayan nilang sexy Viva Hot Babes. At least, may bundle of joy na si Katya na balitang-balita na ngayon ang pagbubuntis.

Ramona Revilla triplets na babae ang ipinagbubuntis!

Speaking of buntis, jackpot naman si Ramona Revilla na dating sexy actress din dahil triplets ang limang buwang ipinagbubuntis niya ngayon. Biruin n’yo, nasilip agad sa ultrasound na tatlong babae ang dinadala niya?

Tiyak na magiging maganda ang magiging anak nito dahil bukod sa mestisa si Ramona ay Amerikano pa ang napangasawa nito na na-meet niya sa San Diego, California nung magbakasyon sa US noon. Manganganak siya rito sa ‘Pinas dahil nga sa high risk ang pagbubuntis ng dating sexy actress.

Suwerte rin si Ramona dahil mukhang super in love ang kanyang mister na very proud at ingat na ingat daw sa pag-aalaga sa kanya. Biruin nga naman na tatlo agad ang panganay nilang mag-asawa.

vuukle comment

BIRUIN

KATYA

KATYA SANTOS

LOURDES HOSPITAL

MAUI TAYLOR

QUEZON CITY

RAMONA

RAMONA REVILLA

SAN DIEGO

VIVA HOT BABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with