^

Pang Movies

’Yung mga na-link hindi? Gabby hangad ang tapat na magmamahal kay KC

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Balik-TV5 si Gabby Concepcion sa Cassandra’s Warrior Angel where he is portraying a dual role. Isa siyang anghel na pinababa sa lupa at siya rin ang ama ni Eula Caballero sa bagong teleserye.

Si Eula Valdez ang misis ni Gabby at ina ng batang Eula. Tungkol sa paglipat-lipat ng network, say ni Gabby, kung saan may magandang trabaho ay doon siya. Pambihira ang dalawang papel niya sa Cassandra kaya’t muli siyang isang Kapatid.

Natatawa lang si Gabo sa mga tanong tungkol sa love life ng kanyang daughter na si KC Concepcion.

‘‘Never akong nakialam sa kanyang affairs of the heart. She is mature enough to decide for herself. Ang dasal ko lang sana ay mahalin din si KC ng tapat kung sino man ang mamahalin niya,” sabi ni Gabby.

Sen. Jinggoy nagdamdam sa ‘pang-iisnab’ ni Rep. JV

Nagdamdam si Sen. Jinggoy Estrada sa nabalitang hindi pinansin ang anak niyang si Janella Estrada ni Rep. JV Ejercito noong nagkaroon ng kampanya ang UNA sa San Juan City.

Si Janella ay candidate for councilor sa balwarte ng mga Estrada/Ejercito. Masamang-masama ang loob ng amang senador sa ginawa sa kanyang anak ng sariling tiyuhin.

“Huwag na sana niyang idamay ang aking anak kung anuman ang nama­magitan sa aming dalawa,’’ pakiusap ni Jinggoy.

Agad namang pinabulaanan ni JV ang maling bintang sa sinabi pang hindi man lang niya kinamayan ang pamangking si Janella. Pinakita ng congressman running for senator ang isang video na nagpakita na bineso-beso niya ang candidate for councilor sa San Juan. Hindi nga niya kinamayan pero mas matimbang ang beso-beso lalo na kung sincere naman!

Jhong papasok na sa pulitika

Ang actor/host, dancer-choreographer na si Jhong Hilario ay sa 2016 pa balak pumasok sa pulitika. Last term na kasi ng kanyang amang si Virgilio Hilario ng Makati City na magtatapos sa nasabing taon.

Tuloy pa rin ang kanyang pagka-abala sa showbiz. This summer, nag-offer ng all-around dance lessons sa mga kabataan si Jhong sa kanyang dance studio sa A Venue, Makati City. Say niya, lahat ng dance genre mula hiphop/street dancing, ballroom hanggang classical ballet, offered sa summer dance workshop with the best instructors available.

Punta na kayo at magpalista sa nasabing lugar at limitado lang ang tatanggapin ni Jhong.

Jaclyn hindi pa pinagkakausap si Andi

Inamin ni Andi Eigenmann na nagkita sila ni Jake Estrada noong nagbakasyon siya sa London, England bilang friends and nothing more. Naghiwalay sila noon na mabu­ting magkaibigan kaya’t dapat namang magpakita siya kahit sandali sa former boyfriend noong nandoon siya.

Ang mother ni Andi na si Jaclyn Jose ay inamin na hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap masyado ng kanyang daughter, who is as strong-willed as her mother. Natural lang ito sa mag-ina, say ng multi-awardee.

Rayver nagpapagaling pa ng puso

Kahit maraming nag-aabang sa Little Quiapo-Parañaque, wala pa silang nakikitang bagong date ni Rayver Cruz. Doon kasi sila madalas ma-sight nung bago pa ang kanilang relasyon.

Kaya naniniwala naman kami na naghahanap pa ng bagong girlfriend ang dating na-link kay Sarah Geronimo. Nagpunta na doon sa LQ si Rayver na may kasamang chicks, atbp. Pero mga friends lang sila ng aktor and nothing more.

‘‘Talagang wala pa akong nililigawan, artista man or nonshowbiz,’’ pilit ni Rayver.

Tama naman ang katuwiran niyang it will take more time to heal a heartache.

Adele kakalabanin nina Sarah at Regine

Tatlo ang nomination ni Sarah Geronimo sa World Music Awards —Best Entertainer of the Year, Best Live Act, at Best Female Artist.

Fans ang magpapanalo kay Sarah G. through online voting. Kaya boto na sa official website ng World Music Awards — www.worldmusicawards.com.

Parating ayaw magpadaig ng mga Pinoy sa mga online voting. Kaya dapat mapunta sa Pop Princess kahit isa sa tatlong nominations.

Finalist din si Regine Velasquez sa Best Entertainer of the Year category.

Taluning kaya ng mga Pinay si Adele na isa sa malalakas na nominees? Huwag na ninyong sagutin, bumoto na agad kayo ng paulit-ulit.

vuukle comment

BEST ENTERTAINER OF THE YEAR

JHONG

KAYA

MAKATI CITY

RAYVER

SARAH GERONIMO

WORLD MUSIC AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with