^

Pang Movies

Para namang hindi sanay na magpakita ng puwet, Wendell binigyan lang ng ka-double nang tumakbong hubad?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-enjoy sa panonood ang entertainment press ng indie film na Bayang Magiliw na ipinag-imbita ni Direk Gil Portes last Thursday afternoon held at the MOWELFUND Plaza. Lunch and presscon muna na sinundan ng press preview. Kung iisipin mo na ang Bayang Magiliw ay tungkol sa heroes, kabaligtaran ito dahil tungkol ito sa isang mayor (Wendell Ramos) na nagkaroon ng siyam na anak out of wedlock. Nagagalit siya kapag ayaw mag-anak ng mga babae sa maliit niyang bayan at ipinasasara niya ang mga health center na nagbibigay ng contraceptives. 

Pro-Reproductive Health Bill ito na sinusuportahan ni G Toengi pero iba ang kaugnayan niya kay mayor. No, hindi siya isa sa mga naging nanay ng mga anak out of wedlock, siya ang lumaban sa mayor sa tulong ng parents niyang sina Jackielou Blanco at Lloyd Samartino, ang napangasawa niyang doktor (Arnold Reyes) ay crusading barangay chairman (Raquel Villavicencio). Sa kanila sa Pagbilao, Quezon nag-shooting si Direk Gil Portes.

Dumalo ang main cast ng indie film. Maraming nagulat kay G, akala kung sinong mestisa ang dumating. Hindi pa raw niya napapabago ang white hair niya na ginamit niya sa Repertory Philippines stage play na Piaf. Babaguhin na lamang niya kapag may bagong project na siyang gagawin.

R-16 at Grade B ang pelikula kaya naman ipalalabas ito sa mga SM Cinema simula sa April 17. Sa preview, ipinakita ang lovemaking nina Wendell at Althea Vega at all the way ang kahubaran sa aktor. Nagkatawanan nang biglang sumigaw si Wendell sa preview ng “Hindi ako ’yan!” dahil after silang mahuli ng husband ni Althea, nanakbo pa siya sa kalye in his birthday suit! Kung hindi si Wendell iyon, ang husay naman ni Direk Gil na nakakuha siya ng double na kasing katawan at kasing kinis ni Wendell. Kung hindi kami nagkakamali, nagawa na rin niyang magpakita ng kanyang butt sa mga fashion show nila noon sa Bench.

Kung pumayag si Wendell na mag-all the way sa indie film, naikuwento naman ni G na sa katatapos niyang pictorial para sa glossy magazine na Rouge for April under Mark Nicdao, ipinakiusap naman niyang tanggalin ang isang shot na nasilip ang nipples niya. Suspender lang daw kasi ang nakatakip sa nipples niya pero dahil sumayaw-sayaw siya, lumitaw daw ito. Hindi raw siya worried sa kanyang husband, si Tim Walters, dahil maiintindihan na part iyon ng work niya pero hindi niya iyon puwedeng ipakita sa kanyang mga anak, a girl who is seven years old and a boy who is five naman.

Naniniwala naman si G na maiintindihan siya ng Rouge kaya exited na siyang makita ang copy nito.

 

vuukle comment

ALTHEA VEGA

ARNOLD REYES

BAYANG MAGILIW

DIREK GIL

DIREK GIL PORTES

G TOENGI

NIYA

SIYA

WENDELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with