^

Pang Movies

Alessandra sawa na sa kasasampal sa bida, gusto namang mag-comedy!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi sukat akalain ni Alessandra de Rossi na mananalo siya bilang first best actress sa unang ASEAN International Film Festival na idinaos sa Malaysia para sa pelikulang Sta. Niña.

Hindi naman ito kataka-taka dahil sa husay sa pag-arte ng aktres kung saan bata pa lang, sa edad disi-sais, ay nagkamit na ito ng best supporting actress sa FAMAS para sa Azucena. Nahasa rin ito sa pagiging kontrabida kung saan katatapos lang niya ng teleseryeng Pahiram ng Sandali ng GMA 7.

“Nagsasawa na ako sa kasasampal sa bida. Baka akalain nila ay kontrabida ako sa tunay na buhay. Gusto kong naman gumawa ng comedy. Sa tunay na buhay ay komedyante ako,” aniya.

Inamin ng aktres na mapili siya sa role at sa project na tinatanggap. Hindi pa tiyak kung magtataas na si Alex ng kanyang presyo sa susunod na mga proyekto.

Kung sinusuwerte siya sa kanyang career ay tila mailap naman sa kanya ang buhay pag-ibig. Sana naman daw ay dumating na ang lalaking magmamahal sa kanya ng tapat.

Direk Portes sumesentro sa kultura at tradisyon sa mga pelikula

May pelikulang ginagawa si Direk Gil Portes na pinamagatang Bayang Magiliw tungkol sa isang bayan na tinawag na Magiliw. Ang alkalde ay ginagampanan ni Wendell Ramos at kontrolado niya ang buhay ng mga mamamayan dun.

Halos lahat ng pelikulang ginawa ni Direk Portes ay mga makabuluhan na nakasentro sa kultura, tradisyon, at values ng ating bansa sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Ang mga nauna niyang pelikulang Mumunting Tinig, Gatas, at Saranggola ay naglalaman ng magagandang mensahe na kapupulutan ng aral.

Kasama rin sa Bayang Magiliw sina G. Toengi, Jackielou Blanco, Lloyd Samantino, at iba pa. Ipapalabas din ang pelikulang ito sa abroad for international exhibition or competition.

Enrique itinanggi ang kasamang babae

Na-post kamakailan na may sweet photos si Enrique Gil sa nonshowbiz girl na akala ng marami ay girlfriend niya. Kahit ang ina ng aktor ay nagtanong din kung magkarelasyon sila.

Ipinaliwanag ng guwapong aktor na kaibigan ito ng anak ng producer ng isang show na pinuntahan niya. Ganun naman daw ang ginagawa ng mga tagahanga nito. Priority pa rin kay Enrique ang career na gumaganda ngayon.

 

vuukle comment

BAYANG MAGILIW

DIREK GIL PORTES

DIREK PORTES

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

JACKIELOU BLANCO

LLOYD SAMANTINO

MUMUNTING TINIG

WENDELL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with