^

Pang Movies

Driver suntok at kutos ang inabot sa among singer bukod pa sa sigaw at mura

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Dalawang taon nang naninilbihan ang driver na ito sa kanyang among male singer. Noong una ay pasigaw-sigaw lang sa kanya ang boss at mahilig ding magmura. Pero habang tumatagal ay naging magaan na ang kamay sa pagkakamali ng kanyang driver.

Kapag nakatulog ang singer at naidaan sa lubak na daan ng driver ay magugulat ang sakay na boss kaya kukutusan ang driver.

Minsan ay nasira ang aircon ng sasakyan kaya kailangang maipaayos. Nagkataon namang may dadaluhang party ang anak nito na isa ring celebrity. Pinasundo ng singer ang kanyang anak sa driver at nahirapang hanapin ang lugar ng driver. Nagtagal ang anak na celebrity sa lugar kung saan halos wala nang natirang tao. Galit na galit ito habang naghihintay sa driver at nang dumating ay pinagmumura ang pobreng tsuper. Mana rin pala sa amang singer!

Nang dumating sa bahay ay nagsumbong pa sa amang singer dahil sa tagal ng paghihintay sa kanya. Hindi nakatiis ang singer at sinuntok agad ang driver.

Hindi na nakatiis ang driver at umalis na rin sa poder nito kahit malaki-laki rin ang suweldo dahil hindi maganda ang trato sa kanya.

Rochelle pinagpapasensiyahan ng bf

Kasama si Rochelle Pangilinan sa teleseryeng Home Sweet Home. Umitim sa tingin ang dancer-actress dahil gusto niyang magpa-tan ng kulay. Matagal-tagal na rin ang relasyon nila ni Arthur Solinap.

Maganda naman ang takbo ng kanilang relasyon na matagal-tagal na rin kahit may pagka-konserbatibo ang aktor dahil ’di pala type kapag sobrang sexy ng outfit ng girlfriend kapag sumasayaw sa Party Pilipinas. Ganun man, napagpapasensiyahan niya si Rochelle.

Wala pa silang planong magpakasal dahil mag-iipon pa ng pera. Ang mahalaga ay masaya sila at inspirado sa kanilang trabaho.

Pagsisisi hindi lang tuwing Semana Santa

Kahit may bahagyang lagnat ay nakapagnilay-nilay kami ngayong Semana Santa — self-examination para ang negatibong traits ay mapagbago dahil sentro rin ng Mahal na Araw ang pagmamahal ’di lang sa Panginoon kundi gayun din sa ating kapwa.

Nakapanood kami ng makabuluhang programa sa telebisyon at pinanood uli ang tape tungkol sa Jesus of Nazareth at ang The Passion of the Christ.

Sana ang pagsisisi sa mga kasalanan ay ‘di lang ginagawa tuwing Semana Santa kundi araw-araw, ’di ba?

 

vuukle comment

ARAW

ARTHUR SOLINAP

DAHIL

DRIVER

HOME SWEET HOME

JESUS OF NAZARETH

PARTY PILIPINAS

PASSION OF THE CHRIST

ROCHELLE PANGILINAN

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with