^

Pang Movies

Marian duda sa pagiging lucky charm kay Mother Lily!

STARTALK - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natawa ako sa kuwento ni Marian Rivera, ang leading lady ni Richard Gutierrez sa My Lady Boss, ang joint production venture ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. na ipalalabas sa mga sinehan sa April 10.

Ikinuwento ni Marian na siya ang lucky charm ni Mother Lily Monteverde. Ito raw ang sinabi sa kanya ng Regal produ pero may duda si Marian na ganoon din ang dialogue ni Mother Lily sa lahat ng mga artista ng Regal. Tawa nang tawa si Marian at naiintindihan ko siya. Si Mother pa?

Ang My Lady Boss ang second movie teamup nina Ma­rian at Richard. Five years ago pa ang huling pagtatambal ng dalawa sa pelikula kaya marami na ang nagbago. Nag-mature na ang dalawa at nakatulong ang maturity nila sa mga karakter na kanilang ginampanan sa My Lady Boss.

Parehong nakatutok sina Marian at Richard sa promo ng pelikula nila. Alam ni Marian na hindi ipinalabas ang trailer ng My Lady Boss noong Lunes ng gabi dahil nakatutok siya sa GMA 7. Nag-mature na nga si Marian dahil concerned na rin siya sa promo at publicity ng pelikula nila ni Richard.

Anak ni Boyet paborito sa Binibining Pilipinas

Kasali si Mariel de Leon sa mga paboritong kandidata sa 2013 Bb. Pilipinas. Si Mariel ang aspiring beauty queen daughter nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Lalong pumayat si Mariel sa press presentation ng Bb. Pilipinas noong Lunes. Talagang sineryoso niya ang pag­pa­papayat. I’m sure, mababawasan pa ang kanyang timbang sa April 14, ang coronation night ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum.

Magpapahinga muna si Christopher sa panga­ngampanya sa April 14 para suportahan ang kandidatura ng kanyang anak. Hindi muna tumanggap ng mga television show si Sandy dahil nakatutok siya sa training ni Mariel na very lucky sa pagkakaroon ng supportive parents.

Gov. ER idinenay ang pagpapahintay ng matagal sa mga nangangailangan ng tulong

Idinenay ni Laguna Governor ER Ejercito ang bintang na pinaghihintay nito nang matagal ang mga tao na nagpupunta sa opisina niya sa kapitolyo ng Laguna.

Itinanggi rin ni ER na palagi itong late sa kanyang mga appointment at sa flag ceremony tuwing Lunes. Imbento raw ang mga kuwento na pawang paninira dahil nakatira na siya sa provincial capitol kaya 24 Oras na Serbisyo ang kanyang slogan. Halos hindi na nga raw siya natutulog dahil sa rami ng mga tao na dumadalaw sa opisina niya para humingi ng tulong at magpa-picture na kasama siya.

Umiinit ang laban ni ER at ng tao na humahamon sa kanya, ang kongresista na si Egay San Luis na anak ni former Laguna Governor Felicisimo San Luis, ang yumaong gobernador na pinakamatagal na nanungkulan bilang gobernador ng Laguna.

                                 

vuukle comment

ANG MY LADY BOSS

BINIBINING PILIPINAS

EGAY SAN LUIS

MARIEL

MY LADY BOSS

PILIPINAS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with