^

Pang Movies

Ayaw maniwala sa sabi-sabi, mas gustong madiskubre muna: Isabel walang pakialam sa pagiging babaero ni John Prats

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa wakas ay nagsalita na rin si Isabel Oli tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni John Prats. Matatandaang nauna nang umamin ang aktor kamakailan tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya at curious siyempre ang lahat na malaman kung ano naman ang kanyang masasabi.

“We’re exclusively dating,” ang pag-amin ni Isabel sa amin.

“For now, nandun kami sa stage na nagkikilanlan kaming mabuti dahil siyempre gusto ko namang makilala siya muna nang husto before getting into a serious relationship talaga.”

Paano ba nagsimula ang panunuyo sa kanya ni John?

“Actually, matagal na kaming magkakilala. Way back 2005 pa yata. Gumawa kasi ako ng soap dati sa ABS-CBN, ’yung It Might Be You (which starred John Lloyd Cruz and Bea Alonzo), nagkasama kami run,” recalled Isabel.

Pagkatapos ng soap ay hindi na siya nagawa ulit sa ABS-CBN hanggang napunta na siya sa GMA 7 at hindi na rin sila nagkita ni John.

 â€œPero high school pa lang ako, crush ko na talaga si John,” she revealed. “Kaya nang una ko siyang makita sa It Might Be You kabadung-kabado ako,” sabi ng aktres.

Sa mga taong nagdaan ay wala naman silang communication ni John hanggang sa last December ay nagulat na lang siya nang i-greet siya ng aktor ng “Merry Christmas” sa Instagram.

 â€œNagulat pa nga ako dahil sabi ko, ‘Aba, himala, naalala niya ako,’” kuwento ni Isabel.

After a few days ay tineks siya ni Valerie Concepcion at pinahihingi nga ni John ang number niya. Ayaw sana niya because ayaw muna niyang mag-entertain ng kahit na sinong guy pagkatapos niyang masaktan sa past relationship niya.

After a few days, ang kapatid naman ng aktor na si Camille Prats ang nag-message sa kanya sa Facebook saying na hinihingi nga ng utol niya ang kanyang number.

Nahiya naman siyang tumanggi kay Camille since close silang dalawa at super chika sila kapag nagkikita.

“And besides, sabi ko nga, hinihingi lang naman ang number ko at baka naman makikikipagkaibigan lang ’yung tao. So, pumayag na rin ako,” kuwento pa ni Isabel.

Doon na nagsimula ang pagte-text-an nila ni John hanggang sa dumalaw ito sa taping ng drama anthology na Wagas sa GMA.

 Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti niyang nakilala ang aktor at nakita ang magagandang qualities nito.

“He’s very sweet, mabait, sincere. Sa kanya ko lang nakita ang sincerity na hindi ko nakita sa ibang guys,” she said.

Aminado si Isabel na ready na siyang ma-in love muli after Gab Valenciano dahil isang taon na rin naman ang nakalipas after nilang mag-break. At gusto niyang bigyan ng chance si John.

Ano ang naging feeling niya nang aminin ni John sa sambayanan ang feelings nito for her at nagpahayag na tila interesado ang aktor na pakasalan siya?

“Siyempre, nakakataba ng puso. Parang ang haba-haba naman ng hair ko. Aaminin ko, siyempre, kinilig ako, nakakakilig naman talaga kapag sinabi ’yun sa iyo ng isang guy,” sabi niya.

Pero sa ngayon ay hindi pa masabi ni Isabel kung sa dambana na nga ang ending nila dahil ilang months pa nga lang silang nagkakakilala.

When asked kung hindi ba siya naba-bother sa image ni John na womanizer at papalit-palit ng girlfriend. Ito ang sagot niya, “Hindi kasi ako tumitingin sa sabi-sabi ng mga tao. Mas gusto ko na makilala ko muna ang guy at doon ko iba-base ang pananaw ko sa taong ’yun”.

Sa tingin niya, kelan naman mapapalitan ng “in a relationship” ang “exclusively dating” status nila?

“Naku, tingnan na lang natin,” natatawa lang niyang nasabi.

vuukle comment

AKO

CAMILLE PRATS

GAB VALENCIANO

IT MIGHT BE YOU

JOHN

LANG

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with