^

Pang Movies

Nararamdamang kaelyahan sa isa’t isa wala na, female celeb, yaya na lang ang pakiramdam sa kasa-kasamang sikat ding celebrity!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Feeling yaya na lang ang drama ng isang may name na female celebrity sa isang kilalang sikat namang celebrity. Tapos na raw ang pagkahumaling ng may name na celeb. Kaya nagkakasama man sila sa mga lakaran, wala na ‘yung haplos ng pagmamahal na namamagitan sa dalawa.

Pero pagdating daw sa lampungan, mas active sa kama ang sikat na celeb kumpara sa may name na celeb. Bagay na kina-shock nang nakaalam sa past sexcapades ng dalawa, huh! To think na sa hitsura ng dalawa, it should be the other way around!

Now, just friends at wala ng iba pang elya sa isa’t isa ang drama ng dalawa, huh!

Sen. Bong maligayang bumalik sa Davao

Looking forward si Senator Revilla, Jr. ngayong araw na ito dahil bumalik uli siya sa Davao City na sa ngiti pa lang ng tao ay nagpapaligaya na sa kanya.

Selebrasyon ngayong Sabado ng Davao kaya naman sasama si Sen. Bong pati na ang ilang babae niya sa Indio, sina Jennlyn Mercado, Rhian Ramos, at Ehra Madrigal upang muling bisitahin ang lalawigan na malapit sa kanyang puso!

“Alam ko laging masaya ang mga event sa Araw ng Dabaw. Nasaksihan ko na ito minsan kaya naman ngayong nagkaroon uli ako ng oras, tiyak na magiging memorable ang muli kong pagbisita sa kanila,” katuwiran ng bida ng Indio.

Makakasama si Sen. Bong at female cast sa isang motorcade sa umaga at pagsapit ng 5:00 PM, isang Kapuso Mall show ang mapapanood sa Gaisano Mall.

Robby Tarroza mas piniling gawin ang dirty works kesa magdirek ng indie

Aminado ang dating actor-international model na si Robby Tarroza na mukha siyang pera kaya naman pinasok na rin niya ang paggawa ng indie movie. Tapos na niya ang second directorial job niya na Pagari kung saan bida ang tween stars na sina Teejay Marquez at Arkin del Rosario mula sa Walang Tulugan ni Kuya Germs.

“Eh, dahil producer na ako, I had to do the dirty works. Nagda-drive rin ako minsan kaya kay Bing (Nellasca) ko na ipinubaya ang pagtatapos ng movie,” rason ni Robby.

Komo nga dalawang lalaki ang bida sa movie, itinanggi ni Robby na may gay undertones ang movie tungkol sa magkaibigan na Muslim. Inspired lang daw ito ng Thai movie na For The Love of Siam na kinagiliwan niya’t naging dahilan upang gawin ang indie movie.

                                                                

vuukle comment

DAVAO

DAVAO CITY

EHRA MADRIGAL

FOR THE LOVE OF SIAM

GAISANO MALL

INDIO

JENNLYN MERCADO

ROBBY TARROZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with