^

Pang Movies

Showbiz couple nalilibre na sa biyahe at accommodation sa abroad, naisa-shopping pa ng nautong male celebrity

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Galit na galit ang isang female celebrity sa showbiz couple dahil sa pagiging maepal masyado. Mahilig magpalibre kasi ang showbiz couple at gumawa raw sila ng paraan para makilala ang isang sikat na male celebrity para malibre sila sa nga trip abroad.

Nagulat na nga lang ang female celebrity na close sa male celeb na bigla na lang nagpaka-chummy ang showbiz couple. Dinaan sa chika ng mag-asawa ang male celebrity at bigla na lang sila nakakasama sa entourage nila.

“Nakakaloka kasi talagang gumawa sila ng paraan para maka-join sila ng libre!” talak ng female celebrity.

“Hindi naman sila close kay male celebrity pero itong maepal na mag-asawa ay kung sinu-sino ang kinausap para mabola nila si male celebrity. Palibhasa utu-uto kaya ayan, nadagdagan ang mga gagastusin niya kapag umaalis siya.

“Super sipsip ang mag-asawang ‘yan kaya may narating din ang pagiging linta nila.”

Hindi bale sana kung pamasahe lang ang ginagastos ng male celeb sa showbiz couple. Pati ang hotel accommodation nila at pang-shopping ay kasama rin!

“Maepal nga, ‘di ba? Libre na nga ang pamasahe, pati ba naman titirhan nila at panggastos inasa nila sa male celebrity?

“As in humingi talaga sila. Hindi na sila nahiya. Kami nga na close na sa male celebrity, nahihiya na humingi unless na mag-offer siya. Itong dalawa, talagang humingi. Ang kakapal ng pez!” galit na talak ng female celeb.                 

Malakas nga ang hinala niya na parang nabawasan na ang kita ng showbiz couple kaya dumidikit sila ngayon sa mga taong makakalibre sa kanila parati.

“Paano naman ambisyoso ang lalaki? Lahat gustong pasukin kaya hayan nadamay ang kabuhayan nila. Si babae naman wala namang alam gawin kundi manghingi lang ng pang-shopping.

“Kaya habang nakadikit sila sa male celebrity ay libre lahat ng gastusin nila. Hindi na ako magugulat kung pati tuition fee ng mga anak nila ay hingin na rin nila,” pagtatapos pa ng imbiyernang female celebrity.

Rico bilib na bilib sa nasala na doseng finalists sa singing contest

Sobrang bilib ang host at judge ng Kanta Pilipinas na si Rico Blanco sa labing-dalawang finalists na napili nila para sa nalalapit na grand finals ng naturang talent reality show ng TV5.

Walang maitulak-kabigin si Rico sa husay ng mga ito. Kaya hindi nakakapagtaka na magkaroon ulit ng mamahaling bagong mang-aawit ang bayan kapag may naideklara na silang grand winner sa Kanta Pilipinas.

“Kami nga nina Mr. C (Ryan Cayabyab) and Lani Misalucha, namamangha kami sa kanilang lahat. Every week may nakikita kaming bago sa performance nila but, of course, nalulungkot kami kasi we have to let someone go.

“Itong napili naming final twelve, sila na ‘yung nagpakita sa amin ng mga mahuhusay na performances. Hindi lang sa boses nila kundi sa hitsura nila may nababago rin.

“Kaya, hopefully, we can come up with the best winner. Nakasalalay sa amin nila Mr. C and Lani ang choice. Walang text votes ito. This is the real challenge para sa mga finalist at para sa aming judges,” diin ni Rico.

Ang napiling 12 finalists ay sina Thara Jordana, Nicole and Carlo David; Dea Formilleza, Timmy Pavino, Allan Gonzales, 5az1, Chadleen Lacdo-o, Daniel Gorospe and JB Landrito, Pia Diamante, Jennifer Maravilla, Ricky Deloviar, and Ferns Tosco.

 

vuukle comment

ALLAN GONZALES

CELEBRITY

KANTA PILIPINAS

KAYA

MALE

NILA

RICO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with