^

Pang Movies

Pagpaslang sa isang pulis sa Laguna, iimbestigahan ni Gus

Pang-masa

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ni Gus Abelgas ang pagpatay sa isang pulis sa Laguna kung saan isang dating mayor at ang anak nitong vice mayor ang itinuturong utak ng krimen ngayong Sabado (March 9) sa SOCO.

Sinagi ang sinasakyang bisekleta ni SPO3 Francisco “Gary” Garcia ng isang kotse at nang patayo na sana siya nang bigla itong binaril ng isang ’di kilalang lalaki sa kanyang likuran. Kasunod nito ay dali-dali nang umalis ang kotse lulan ang lalaki. Animo’y isang vehicular accident lang ito sa una, ngunit lumabas sa imbestigasyon na may pitong tama ng baril ang biktima.

Dumalaw pa sa burol ni SPO3 Garcia ang dating mayor at vice mayor ng Mabitac, Laguna na sina Felix Carpio at Judeo Carpio. Kinilabutan at nagkakutob ang misis ng biktima nang makita ang dalawa ngunit walang pinanghahawakang ebidensiya upang idiin sila.

Hanggang sa lumutang ang isang piping testigo na itinuturong mastermind sa krimen ang mag-amang Carpio at kasabwat dito ang dating pulis na bodyguard na si Jose Era na siya nagsilbing gunman. 

Isang testigo pa ang sumulpot na siyang nagpatunay na ang mag-ama at si Era nga ang responsable sa krimen.

Mapanagot kaya ang mga itinuturong suspek sa krimen?

Tutukan ang ulat ni Gus sa SOCO: Scene of the Crime Operatives ngayong Sabado (March 9) pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.

 

CARPIO

FELIX CARPIO

GARCIA

GUS ABELGAS

ISANG

JOSE ERA

JUDEO CARPIO

SABADO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHOWBIZ INSIDE REPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with