^

Pang Movies

Sandara gusto pa ring mag-artista sa ‘Pinas kahit sikat na sikat na sa Korea at ibang Asian countries

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sikat pa rin si Sandara Park sa South Korea as Dara, member ng isang girl group. Sa new issue ng Elle-Korea may fashion spread ang dating contract star ng ABS-CBN na sinuot ang mga likhang Gucci at Chanel. Signature lahat ang wear niya sa pictorial!

Nasa March issue rin ng Elle ang istorya ni Sandara, simula nang manalo siyang runner-up sa Star Circle Quest at sumikat sa Pilipinas.

Close na siya sa tatlo pang members ng grupong 2NEI at ngayon higit silang sumisikat sa Korea at marami pang Asian countries. Kaya baka hindi na siya bumalik sa showbiz sa ating bansa.

‘‘Kung meron talagang special project, baka sakali,’’ say ni Sandara.

Aktor na nakipaglamPungan nang husto sa kaparehang actress habang nasa shooting, kay Direk sumiping

Isang classic na blind item: Sa ibabaw ng salamin kinunan ang love scene ng action star at sexy starlet. Mainit ang tagpo. Bigay na bigay ang dalawa. Barakung-barako ang leading man at very submissive ang partner.

Hatinggabi nang matapos ang shooting. Bumalik sa kanyang cottage ang sexy na ang makeup artist lang ang naghatid. Ang bida ay hinatid pa ng poging director sa kanyang kubo.

Doon na rin natulog sa kubo ng bida si Direk. Pareho naman silang macho kaya okay lang. Kaya lang narinig namin ang siyete kung ano talaga ang relasyon ng dalawa sa likod ng camera!

Mga indie actor tambay sa donut shop

Kuwento sa amin ni Ms. F (Fernan de Guzman), lumakas ang Dunkin Donut outlet sa may Roces/Quezon Ave. sa Quezon City simula ng maging endorser nila si Derek Ramsay.

Kahun-kahon na ang take-home order dahil gusto nilang magkaroon ng magandang box na may photo ni Kidlat. Naghihingi rin ang mga bumibili ng poster ni Derek kaya lang walang maibigay ang Dunkin Donut. Pupunta nga ako roon para bumili ng tatlong kahon at makita kung bakit favorite ni Ms. F na hang-out ang lugar. Meron kayang mag-entertain sa amin?

Balita ko, maging ang poging indie actor ay nagbababad din doon. Mahaba talaga ang hair ni Fernan.

Heart nag-mature ang isip kay Sen. Chiz

Sabi ng mga close kay Heart Evangelista, nagi­ging mature ang pananaw sa buhay ng aktres simula nang ma-associate kay Sen. Chiz Escudero. Matalino naman si Heart kaya’t marami siyang maa-absorb na positive na bagay sa senador.

Ang dasal lang namin, hindi sana siya mag­­muk­hang wrangler agad. Say kasi ng mga self-proclaimed beauty expert, tumatanda agad tayo kapag may edad ang laging kasama. Aba, very young pa naman ang reelectionist lawmaker kung ikukumpara sa mga kasama niya sa Senado.

Sen. Kiko ‘di magkaka-oras para sa bubuuing nilang baby ni Sharon

Magtatapos na ang term ni Sen. Francis Pangilinan this June, naka-12 taon o dalawang six-year terms na siya sa Senado. Maglagi na lang kaya siya sa bahay kasama ni Sharon Cuneta at kanilang mga anak?

Tiyak tuloy ang pagiging lingkod-bayan ni Sen. Kiko. Ang balita, ia-appoint agad siya ni Pres. Noynoy Aquino as a cabinet member.

So, hindi pa posibleng makabuo uli sila ng bagong baby with the Megastar.

Matapos manakaw, Sam nagpa-plano na namang bumili ng bagong motor at mga gamit

Kabilang kami sa mga humahanga sa lakas ng loob ni Sam Milby. Pawang mga mapanganib na sports kasi ang pinapasukan niya. Wala siyang pakialam sa mangyayari basta gusto niya ang extreme sports na motocross. Buti na lang hindi na kakaba-kaba ang kanyang fans dahil tinigilan na niya ang larong ito nang manakaw ang kanyang motor at iba pang gamit.

Mapanganib din ang dati niyang laro na figure skating, lalo na kung sobrang mapangahas ang mga ginagawa sa ibabaw ng yelo. Maraming mga figure skater ang na-paralyze sa mga disgrasya sa sport na ito.

Ilang ulit na rin siyang nadisgrasya sa motocross pero balak pa ring balikan ni Sam kapag nakabili na siya ng bagong motor at mga gamit.

Mahirap ang posisyon ng magiging misis ni Sam. Lagi na lang siyang mag-aalala at ninenerbiyosin.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

DEREK RAMSAY

DIREK

DUNKIN DONUT

LANG

MS. F

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with