^

Pang Movies

Pelikula ng isang aktor hindi nga kumita, kinumpirma ng executive

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Inamin sa akin ng isang executive na hindi mas­yadong malakas sa takilya ang pelikula na ginawa ng movie outfit nila.

Pero satisfied sila sa box-office gross dahil nabawi ang puhunan. Ang resulta sa box office ng pelikula ang pruweba na pang-TV talaga ang mga bidang ar­tista. Kung sabagay, mas okay nang malakas sa TV ang mga artista dahil mas bongga ang kita ng mga TV station sa commercial loads.

May mga artista kasi na malakas ang hatak sa ta­kilya pero hindi rater ang mga television show na pinagbibidahan nila. Iba-iba talaga ang panlasa ng mga tao sa mga artista na kanilang sinusuportahan.

Sunshine nami-miss ng Twitter followers, problema kay Cesar naayos na

Nami-miss na ng Twitter followers ni Sunshine Cruz ang mga patutsada niya sa kanyang Twitter account.

Naninibago kay Sunshine ang followers niya dahil, lately, hindi na maaanghang ang kanyang mga tweet. Gusto na nilang maniwala na may katotohanan ang balita na magkasundo na uli sina Sunshine at Cesar Montano kaya wala nang mga emote sa kanyang Twitter at Instagram accounts.

May mga nalulungkot dahil si Cesar ang naagrabiyado ang image sa recent na pagsubok sa relasyon nila ni Sunshine. Away mag-asawa ang nangyari at sana raw ay hindi na ito isinapubliko ni Sunshine.

Sunshine at Angelika nakalimutan na ang kanilang away

Okay na ang relasyon ngayon nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz kaya pumayag sila na magkasama sa bagong drama series ng GMA 7, ang Mundo Mo’y Akin.

Kung inyong matatandaan, nagkaroon noon ng iringan ang dalawa nang gawin nila ang dalawang drama show ng GMA 7. Matagal na ‘yon as in mga dalaga pa sila.

May asawa at mga anak na ngayon sina Sunshine at Angelika. I’m sure, nag-mature na sila at tuluyan nang kinalimutan ang kanilang hidwaan noon. Hindi ko na sasabihin ang common denominator nila bilang mga pamilyado na nga sila.

Ganda ng Cavinti nadiskubre dahil kay Sen. Bong

Nag-enjoy ang mga reporter na bumisita noong Huwebes sa set ng Indio sa malayong lugar ng Cavinti, Laguna.

Hindi nila naramdaman ang pagod dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ni Sen. Bong Revilla, Jr. at ng co-stars nito.

Gandang-ganda ang mga reporter sa Cavinti, Laguna. Hindi nila akalain na may ganoong lugar sa Laguna. Wala nang dahilan para pumunta sa malayong probinsya dahil very relaxing sa Cavinti, lalo na sa Kaliraya Lake, ang man-made lake sa lalawigan ng Laguna.

VIC masusubukan uli ang galing sa sitcom

Mabibilang sa daliri ang mga katulad ni Vic Sotto na kumikita ang mga pelikula at top-rating ang mga TV show.

Kampante ako na tatangkilikin ng televiewers ang Vampire ang Daddy Ko dahil subok na ang lakas ng mga sitcom at game show na tinatampukan ni Bossing Vic. Mapapanood ngayong gabi sa GMA 7 ang Vampire ang Daddy Ko.

vuukle comment

ANGELIKA

BONG REVILLA

CAVINTI

DADDY KO

DAHIL

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with