^

Pang Movies

Aiza lalong pumupunggok sa style ng buhok

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtataka si Aiza Seguerra kung saan nanggaling ang balitang iiwan na niya ang magandang role sa Be Careful with My Heart pero aminado naman siya na malaki talaga ang utang na loob niya sa Eat Bulaga.

Matagal nga si Aiza sa GMA 7 pero sa ABS-CBN siya nakatsamba ng magandang papel.

Samantala, sana ay magpahaba na ng hair si Aiza kasi lalo siyang pumupunggok sa kanyang hairstyle ngayon.

Celebrities kilalang-kilala ang tunay na Hagedorn

Isa sa mga napaka-hospitable na alkalde na nakapanayam namin ay si Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn. Nagkasama kami noong maimbita ng yumaong Mama Elay. Kasama ang ilang artistang nag-perform sa fiesta roon.

Napaka-accommodating ni Mayor. Nakita namin doon kung gaano siya kamahal ng mga kababayan dahil sa mga nai-contribute sa Palawan. Walang gaanong krimen at madisiplina ang mga mamamayan.

Doon din namin na-meet ang GMA 7 actor na si Matthew Mendoza, pamangkin ni Mayor. May hotel and resto roon ang mother ng aktor na kung saan nag-stay ang invited press. At dahil artista nga ang pamangkin, maraming celebrities ang maaasahang sumuporta sa eleksiyon, lalo na ’yung mga nakapasyal na sa Palawan. Kabisado nila kung sino ba talaga si Mayor Edward Hagedorn.

Alessandra nagpapasalamat kay Direk Maryo dahil nakapaglagare

Nagmukhang kaawa-awa si Lorna Tolentino sa pang-aaping tinamo niya kina Max Collins at Alessandra de Rossi sa Pahiram ng Sandali.

Naghihimagsik ang kalooban ni Max sa ina, kay LT, dahil sa pagkakaugnay kay Dingdong Dantes na boyfriend niya. At si Alex naman ay mas matapang pa bilang kabit kesa tunay na asawa.

Nagpapasalamat nga pala si Alex kay Direk Ma­yo delos Reyes dahil bago siya nasalang sa Pa­hiram ng Sandali, natapos na niyang gawin ang indie film na Baybayin, kasama ang kapatid na si Assunta de Rossi. Sa South Palawan pa raw ng shooting nila noon kasama ang baguhang aktor na bida sa naturang istorya, si Adrian Sebastian.                                                                                

 

vuukle comment

ADRIAN SEBASTIAN

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALESSANDRA

ALEX

BE CAREFUL

DINGDONG DANTES

DIREK MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with