^

Pang Movies

Cacai tahimik sa ‘karelasyon,’ Mario pinauunang umamin!

PARINIG NGA! - Lanie M. Mate - Pang-masa

Sobrang haba ng hair ni Cacai Bautista. Imagine ang pagkaguwapu-guwapo at sikat na Thai heartthrob na si Mario Maurer lang naman ang natisod niyang maging boyfriend?

Nung una akala nang lahat joke lang ang tsismis na mag-on si Mario at ang komedyante. Pero nagkatotoo na nga yata kasi lalong natawa at natuwa ang lahat ng viewers ng The Buzz at maging ang mga host na sina Boy Abunda, Charlene Gonzales, at Toni Gonzaga kahapon nang maibalandra sa kani-kanilang Instagram account ang sweet pictures ng Thai actor at Pinay comedienne. Mas nakakaloka pa ang kuwentong iniwanan ni Mario ang kanyang shooting para lang puntahan si Cacai. Pawisan daw ang hitsura ni Mario dahil naka-motor ito.

Ayon din sa The Buzz kahapon, ayaw ding ikumpirma ni Cacai ang totoong relasyon nila dahil kung meron daw dapat magsalita, ito ay si Mario. 

Tiyak na maiinggit si Vice Ganda sa mabagsik na kamandag ni Cacai dahil vocal ang una na kilig na kilig siya sa kaguwapuhan ng international actor nang nag-guest sa show niya.

Hinala naming mga TV viewer na malamang ay sinamantala ni Cacai ang pagpapa-cute kay Mario off cam habang ginagawa noon ang Suddenly It’s Magic na ang leading lady ay si Erich Gonzales at suporta lang ang komedyante.

Makabuluhang projects dapat ding ibigay kay Daniel

May dahilan para talagang bantay sarado si Karla Estrada sa kanyang gold mine, si Daniel Padilla. Ngayon pang siya ang tinaguriang “most wanted” at crush ng bayan sa kanyang henerasyon. Pero sana nga mapangatawan ni Daniel na nagbagong buhay na ang angkan niyang Padilla, na hindi na sila babaero.

Sana samantalahin din ng Kapamilya Network na bigyan siya ng magagandang advocacy project para sa mga kabataan lalo na ngayong ang lakas ng hatak niya sa mga bagets kaya dumarami ang kanyang endorsements. Kesa sa puro pa-cute-cute lang ang ibinibigay sa kanyang project.

BB gumanda ang aura

Bumagay ang bagong hairdo ni BB Gandanghari. Bumata ang kanyang hitsura sa short hair kaya naging maganda na ang kanyang aura sa pag-appear niya kahapon sa The Buzz.

Maganda rin ang kanyang suot. Madalas kasing pinipintasan din ang mga get up ni BB kapag may TV guesting. Pero mas higit na nagpasaya sa kanya ang pagtanggap sa kanya ng Mama Eva Cariño niya sa kabila nang pinagdadaanan ngayon.

vuukle comment

BOY ABUNDA

CACAI

CACAI BAUTISTA

CHARLENE GONZALES

DANIEL PADILLA

ERICH GONZALES

KANYANG

KAPAMILYA NETWORK

MARIO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with