^

Pang Movies

Robin sinusuway ang kontrata sa ABS-CBN, apir nang apir sa ibang network

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Exclusive ang kontrata ni Robin Padilla sa ABS-CBN pero umaapir siya sa ibang TV network kapag ang mga mahal niya sa buhay ang involved.

Lumabas si Robin sa Wowowillie para ipagtanggol si Mariel Padilla sa mga basher nito sa social media.

Napanood si Robin sa programa ng GMA News TV noong Sabado nang gabi dahil siya ang surprise sa kanyang anak na si Kylie Padilla.

Touched na touched si Kylie sa gesture ng tatay niya. Alam ni Kylie na hindi puwedeng lumabas si Robin sa ibang TV station pero dedma ang kanyang ama dahil umapir ito sa show ng GMA News TV.

Mister ng Russian girl na magaling kumanta ng Tagalog mas feel ang TV camera!

Ang galing kumanta ng Russian girl na si Anna Raptsbun na nag-guest sa mga show ng GMA 7.

Napansin ang singing talent ni Anna dahil memoryado niya ang Tagalog song na Kahit Maputi na ang Buhok Ko na theme song nila ng kanyang Pinoy husband.

May napansin lang ang televiewers, mas enjoy sa harap ng mga TV camera ang asawa ni Anna. Showbiz na showbiz siya! Parang si mister ang interesado na makilala at pumasok sa showbiz.

Richard bumata dahil kay Jodi

Malaki talaga ang nagagawa ng popularity sa mga artista.

Good example si Richard Yap na bumata ang hitsura nang sumikat sa Be Careful With My Heart ang love team nila ni Jodi Sta. Maria.

Matinee idol na ang peg ni Richard na in demand ngayon sa mga out-of-town show.

Richard makakapagpatunay na totoo ang katawan ni Marian

 Seksing-seksi si Marian Rivera sa cover ng isang glossy magazine.

Two-piece swimsuit ang outfit ni Marian at hindi kaila­ngan na iretoke ang picture dahil ‘yon ang talagang shape ng kanyang katawan.

Mapapahiya ang mga nagsasabi na Photoshopped ang litrato.

Isa si Richard Gutierrez sa mga makapagpapatunay na hindi retokado ang litrato ng leading lady niya sa My Lady Boss.

Hiningi ni Marian ang opinyon ni Richard tungkol sa kanyang sexy pictorial. Isa si Richard sa mga unang nakakita sa pictorial ni Marian.

Fans umaasang mapapansin uli ang acting ni Hero

Umaasa ang fans ni Hero Angeles na mapapansin ang acting niya sa The Fighting Chefs at ito ang magiging daan para umariba uli ang kanyang acting career.

Sinungaling ang artista na magsasabi na hindi nila nami-miss ang public adulation.      

Sa kaso ni Hero, imposibleng hindi siya nangangarap na bumalik uli ang ningning ng kanyang showbiz career.

Gov. ER committed na sa MMFF, may ipapasok uling entry

Milyung-milyong piso ang budget ni Laguna Gov. ER Ejercito sa La Laguna Festival.

Anilag ang dating name ng festival pero pinalitan ‘yon ni ER nang umupo sa puwesto.

Excited ang mga taga-Laguna sa La Laguna dahil maraming pasabog na sorpresa si ER at ang kanyang misis, si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito.

Gusto ni ER na mag-enjoy ang lahat at maging successful ang La Laguna kaya ginagawa niya ang lahat ng paghahanda.

Nag-announce na rin si ER na may pelikula siya na isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013. Commitment daw niya ang pag-join sa MMFF para makatulong siya sa mga artista na walang trabaho.

Very true ang sinabi ni ER dahil kung pinanood ninyo ang El Presidente, nakita ninyo na maraming artista ang binigyan niya ng participation sa kanyang pelikula na official entry sa MMFF noong 2012.

vuukle comment

ANNA RAPTSBUN

BE CAREFUL WITH MY HEART

BUHOK KO

KANYANG

LA LAGUNA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with