^

Pang Movies

Aktres na nailusot ang promo ng negosyo, niyari ng boss!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakagalitan ang isang aktres nang kaswal niyang bang­gitin ang name ng isang business na kinabibilangan niya. Hindi kasi niya ito ipinagpaalam sa boss kaya nang malaman ito ng huli, award ang ibinigay sa kanya.

At least, kahit natarayan, napalusot niya pa ring banggitin ang name ng business niya nang libre.

Kantang Pagbabago sumakto sa campaign ad ni Sen. Chiz

Panalo ang dating ng bagong campaign ad ni Sen. Chiz Escudero na gamit ang kantang Pagbabago (Change). Saktung-sakto pati get up ng senador at lumabas talaga ang bongga niyang aura na Pinoy na Pinoy.

Sa totoo lang, hindi agad-agad nakuha ng Team Chiz ang kanta na gawa ng hiphop at R&B singer na si Quest (Jose Villanueva III) nang mapakinggan ito ng senador last year. At humingi naman ng personal audience ang singer upang malaman ang plataporma ng senador pati na ang bisyon niya sa bansa.

Pumasa naman sa panlasa ni Quest ang advocacies ni Sen. Chiz. Hindi niya akalaing may opisyal palang kagaya ng senador na nananatiling matatag ang paniniwalang magtatagumpay ang bansa sa hangad nitong pagbabago.

No wonder, angat na angat pa rin sa mga survey ang name ng abogadong senador na taga-sulong ng pagbabago!

Geoff nadudumihan sa pulitika, mas gusto pang magdirek kesa kumandidato

Speaking of politics, never naging interesado si Geoff Eigenmann sa larangang ito. May mga nagsasabing swak siyang maging politician dahil feeling nila, approachable siya.

“But I never really thought about the idea eh. Ever since before, I never aligned myself with politics. Ayoko as much as possible. It may be very close ang show business at politics pero ayoko talaga eh! As of now, there is no reason for me to join! To dwell with politics,” paliwanag ni Geoff nang makausap namin sa taping ng Forever.

Pati nga raw mom niyang si Gina Alajar, maraming lumapit na pasukin ang pulitika.

“Ang sa akin, I can help in some other way instead of ta­king politics. Sad to say, it’s dirty eh. May malilinis na politicians but majority of it are dirty eh. It’s more cut-throat than show business. Mas literal na cut throat. Ayoko!” diin ng aktor.

Mas open pa siya sa idea na sundan ang nanay niya sa pagdidirek.

 â€œI like the visuals kasi na ipinapakita ng direktor eh. Mas aligned ako with that even in writing script. Mas okay ako roon,” sambit ni Geoff.

 

                                                 

AYOKO

BUT I

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

GINA ALAJAR

JOSE VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with