Nabuking kahit gusto pang ilihim: Apl.de.Ap uupo ring coach kasama sila Lea at Sarah
Si Lea Salonga mismo ang umamin na isa siya sa mga apat na coaches sa Voice of the Philippines, kasama sina Sarah Geronimo at Bamboo Mañalac.
Ang fourth coach, hindi pa pinahayag, pero may speÂculation na si Apl.de.ap ang makakasama ng tatlo sa singing contest. Nabanggit na pala ng Pinoy/American composer/performer na may tatanggapin siyang isang local TV show.
Nagretirong papa naging aktibo sa social media
Lahat ng major international news channel, coÂvered ang final Papal audience with Pope Benedict XVI, sa St. Peter’s Square, Vatican, last Wednesday. Naging emotional ang last public appearance ng nag-resign na Papa.
Sinabi niyang hindi naman niya iiwanan ang simbahan. Sa Vatican pa rin naman siya mamalagi, pagkatapos ang pansamantalang pagtira sa Castel Gandolfo, habang inihahanda ang isang monastery na magiging permanent residence niya.
Sakay ng chopper, nagtungo siya sa summer reÂsiÂdence ng mga Pope, na ang sabi ay mga isa o daÂlaÂwang buwan lang siya roon at babalik agad sa Vatican. Matagal din inisip kung ano ang itatawag sa dating Cardinal Joseph Ratzinger ng German, ngayong hindi na siya ang Santo Papa.
Napagkasunduan, ewan kung final na, na ibigay sa kanya ang titulong Pope Emeritus.
Si Pope Emeritus Benedict XVI ang unang Godly Father ng Simbahang Katoliko na gumamit ng modern technology. Computer literate siya at nagpapadala ng mga dasal at mensahe sa social media. Kaya naging malapit siya sa mga kabataan, na naka-relate sa kanya, hanggang huling araw ng kanyang pagiging Pontiff.
First Friday ngayon ng buwan ng Marso, kaya’t tiyempo na taimtim tayong magdasal para sa SimÂbahang Katoliko, upang makapili ng bagong Papa na magiging isang mataÂtag na lider. Ipagdasal din natin ang mga kababayang nagugutom, lalo na ang mga biktima ng kalamidad at sana ay tumupad sila sa batas ng bansa, kahit sabihin pang ibayo na ang kanilang paghihirap.
Sabi nga ni Pope Emeritus, ‘‘suffering give us the privilege to be closer to God and to enjoy and appreciate the beautiful things in life.’’
Say ng ilang young filmmakers, puwedeng gaÂwing tema ng indie film ang ginawang paglusob ng mga tao sa bodega ng relief goods. Kahit hindi sigurado kung mga biktima nga ng sakuna ang gumawa ng karahasang ito.
Salamin ng katotohanan nasisikil
Sinasabi na ang medium ng pelikula ay isa sa mga salamin ng buhay. Salamin ng katotohanan at mga tunay na kaganapan. Hindi salamin ng mga kasinuÂngalingan at mga kabalbalan.
Kaya lang, kapag may mahigpit na Censor, napipigilan ang kalayaang ilahad ang totoo. Kaya ang mga filmmaker pinipihit ang atensiyon sa mga pantasya’t kababalaghan.
Dating movie director at magazine editor wagi ang sinulat na kanta
Congratulations to movie director/script writer at dating magazine editor Jovinar ‘‘Joven’’ Tan, sa pagkapanalo sa Himig Handog for his song Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa, interpreted by Aiza Seguerra.
Sa ganda ng boses ni Aiza, very effective na kumanta, lalo na ng mga awit ng pag-ibig, tulad ng winning composition. Nagwagi ng P1 million cash prize si Joven at isang tropeo.
Kahit naging member siya ng choral group na Bagong Himig sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), na isang state college), never niyang inisip na maging career ang musika. Nakapagsulat na rin siya ng mga kanta for Ogie Alcasid, Lovi Poe, at iba pang singer.
After this triumph, mukhang seryoso nang haharapin ni Joven Tan ang pagiging pop tune weaver.
- Latest