Paghihirap ni Kris pinatatagal pa!
Magta-tatlong linggo nang pinapakita ang sitwasyon ni Kris Aquino bilang si Roxanne na may ovarian cancer sa Kailangan Ko’y Ikaw. Pahina siya nang pahina at nagiging kumplikado ang istorya ng mga mahal niya sa buhay.
Pero nung nakaraang dalawang linggo ang mas matindi dahil sobrang lungkot ng pamilya nila ni Robin Padilla na gumaganap na Gregorio, ang mister. Kaya malungkot din ang gabi-gabing episode. Deretsahan na, naging depressing ang teleserye nila. Baka naka-stress pa sa iba. Lalo na kung napapanood ito ng isang may Stage 3 o 4 na cancer at dumidilim na ang pag-asa niya at ganun din ng kanyang mga mahal sa buhay.
Siguro hindi masyadong maiintindihan ng isang televiewer ang bigat ng mga eksena kung hindi pa niya nararanasan ang may magkasakit sa pamilya, kahit hindi kanser, at kalaunan ay pumanaw pa.
Nauunat nang nauunat ang gustong talakayin sa TV series. Sa kalagayan ni Roxanne, prolonging the agony ang tawag sa mga nangyayari. Sa pelikula kasi ay sandali lang madadaanan ang moment ng importanteng karakter. Kahit magngangaÂngalngal pa o bumigat ang dibdib pagkatapos mapanood ang buong palabas ay hanggang dun lang ‘yun — sa loob lang ng ilang oras.
Sa teleserye, ang napanood mong nakaka-depress na eksena ay mapapanood mo pa rin bukas at sa mga susunod pang araw. Parang tino-torture mo na rin ang sarili kasi nga nahihirapan ka nang panoorin pero kinabukasan nama’y may babalikan pang karugtong na eksena.
Itong linggong ito, pagpasok ng Lunes, ay medyo “nakahinga†si Roxanne sa kanyang paghihirap dahil hindi masyadong naka-focus sa kanyang sakit. Kumbaga, hindi masyadong tutok na gawing kaawa-awa ang bida. Kaya may breather din kaming manonood.
Marami pa naman kasing puwede talagang bigyan ng pansin.
Baka puwedeng sa paalaman portion na lang ibuhos lahat ang crying scene kung mawawala na nga ng tuluyan si Roxanne. Huwag na lang unti-untiin na slow and agonizing death ang drama.
Mga prinsesa ng TV5, jobless
Wala na nga yatang maibigay na drama series sa mga prinsesa ng TV5 na sina Alex Gonzaga, Jasmine Curtis-Smith, at Arci Muñoz.
Pero ang pinakamalaking kakulangan dito ay si Alex. Siya kasi ang tinaguriang orihinal na prinsesa ng Kapatid Network noong lumipat ang aktres mula sa Kapamilya at nagsisimula pa lang lumaki ang TV5. Masasabing isa siya sa naging haligi ng TV network at nagkaroon ng malaking kontribusyon dahil nag-rate ang mga nilabasan niyang programa. Pansamantala ay nabigyan siya ng game show na co-host si Chris Tiu nung February 2012 pa at pagkatapos ay natengga na.
Susunod sana sa yapak niya si Arci na pinag-solo rin sa isang fantaserye pero ngayon ay wala na rin. Mabuti na nga lang at pinagho-host pa siya sa WowoÂwillie dahil may exposure pa.
Si Jasmine naman, ewan ba, pero mula nung dumating sa TV5 ay hindi naman naramdaman. Kaya kung wala siyang ginagawa ngayon ay parang wala namang nawalan o naging kabawasan sa TV industry.
Kaya kanino ngayon aangkla ang Kapatid Network? Sa baguhan lang bang si Sophie Albert?
Bella at Sammy malabo na uling makapagtrabaho
Nakapanlulumo ang pinagdadaanan nina Bella Flores at Sammy Lagmay. Nakatali na sila sa sakit na dinaramdam at malabo nang makapagtrabaho pa lalo na ang beteranang kontrabida.
May mga dumarating na tulong sa kanila simula nang ma-televise pero paudlut-udlot din at hindi pa maibuhos ng todo ang ilang tulong pinansiyal.
Kung ang mga tao ay naging aware sa kalagayan nina Bella at Sammy, kabaligtaran naman ang nangyari kay Mommy Elvie, ang butihing ina ni Ariel Villasanta na naging komedyante rin tulad ng anak.
Maliban sa nabalitang naoperahan siya habang ginagawa ang third season ng Mommy Elvie@18 dahil sa breast cancer, wala nang ginawang panawagan para sa kanya ang show o si Ariel mismo. Dumating na lang ang balita sa masugid niyang TV viewers na siya ay pumanaw na.
Salamat na rin at hindi masyadong “ginamit†sa show ang kanyang naging sakit.
* * *
May ipare-rebyu?
E-mail: [email protected]
- Latest