^

Pang Movies

Starlet na si Krista Miller itinangging pinatulan si Cesar; iPhone, chocolate, at T-shirt ipinagsigawang kayang bilhin

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos maging kontrobersiyal dahil sa akusasyong siya ang third party sa pagsasama nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, humarap na sa telebisyon si Krista Miller para sagutin at linawin ang mga kinasasangkutang kontrobersiya.

Nagpa-interview si Krista sa The Buzz na inere last Sunday and ’yun ang first time na nakita namin ang baguhang aktres sa telebisyon. Maganda naman siya at may hawig sa dating artistang si Sheila Ysrael.

Isa-isang nilinaw ni Krista ang mga issue sa kanya at mariing itinanggi na may relasyon sila ni Cesar.

Ayon kay Krista, ni hindi nanliligaw sa kanya ang actor/director at hindi rin ito ang tipo niyang lalaki. Kaya sobrang nagulat daw siya na bigla na lang lumitaw ang isyu na diumano nga’y may relasyon sila.

“Actually, hindi po ako ang unang nakaalam. ’Yung family ko, friends ko, tinawagan nila ako about sa Instagram war na sinasabi nila. Totally, blangko po akong talaga. Wala akong kaalam-alam sa ibinabato nila sa akin sa Instagram,” sabi pa ni Krista.

Nilinaw din niya ang tungkol sa iPhone 5, chocolate, at T-shirt na diumano’y bigay ni Cesar.

“Tito Boy I have more than five suitors na puwedeng magbigay sa akin ng mga gano’ng regalo. Pero may pera ako, kaya kong bumili.  At saka hindi ko hahayaan ang sarili ko na pababain ang sarili ko dahil lang sa iPhone 5. ’Yun lang po,” paglilinaw niya.

Hindi rin daw siya nagte-text kay Cesar and vice versa. Unang-una raw ay hindi niya alam ang number nito at ang nagte-text daw sa kanya ng kanyang call time sa shooting ay ang tinatawag niyang Kuya Danny.

Hindi rin daw totoo ang paratang sa kanya ni Sunshine na nagpapadala siya ng provocative pictures and messages kay Cesar.

“Tito Boy, hindi ko po ugaling mag-send ng picture lalo na kung walang dahilan. Ngayon po, kung may nakita po sila na sinasabing picture ko, wala po akong kinalaman dun. Hindi po ako nagpapadala ng kahit anong picture at any provocative messages kay Direk Cesar,” sagot ng supporting actress sa ginawa nilang pelikula.

Ayon pa kay Krista, alam niyang may asawang tao si Cesar at iginagalang niya ’yun.

 â€œHe’s my director. I respect him. He loves his family. Hindi po para bigyan niya ako ng motibo. Alam kong pamilya­do rin siyang tao para magbigay ako ng motibo sa kanya. Ginagalang ko po siya,” she said.

Aminado rin ang baguhang aktres na mabigat ang akusasyon sa kanyang kabit at home wrecker at talaga raw sumama ang loob niya sa mga paratang na ito.

“Natural po, nagalit ako. Sumama ang loob ko. Sumama ang loob ko, oo, inisip kong mabuti, inin­tindi kong mabuti. Inunawa ko siya. Dapat ba akong magalit? I mean, ako. Kay Sunshine, kay Cesar. Sa mga tao. Dapat ba akong magalit? 

“Tinanong ko ang sarili ko kung dapat ba akong magalit. Hindi eh. Kasi walang katotohanan ang lahat. Sumama lang po ang loob ko dahil sa ibinabato nila sa akin at sinasabi sa akin na hindi ko alam kung saan nila napupulot ang impormasyon. Ultimo pamilya ko, nadadamay na,” paliwanag pa ng controversial starlet.

Pero aniya ay isang malaking challenge ito sa kanya at hinding-hindi magiging dahilan para su­mu­ko sa pangarap niyang maging artista.

 

 

vuukle comment

AKO

AYON

CESAR

CESAR MONTANO

DAPAT

KRISTA

SUMAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with