^

Pang Movies

Professional daw kasi siya BB umaming makakapag-take home ng leading man kung hindi lang producer

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ayaw nang palakihin ng kampo ni BB Gandang­hari ang biglaang pag-back out ng isa sa ka-partner niya sana sa stageplay na si Xyrus Cruz sa Halik ng Tarantula. Ang ibinigay lang na rason ay meron daw malaking project na gagawin ang alaga ni Direk Maryo J. Delos Reyes.

Hindi naman daw naapektuhan ang play dahil meron pa ring dalawang leading men na natira na magkasalitan, sina Jovit Monsod at Jet Alcantara, at parehong walang ere sa kanilang role bilang Va­lentin ni BB.

Si Jovit ay nagpaalam pa sa kanyang daddy na si former Gov. Brando Sael na ngayon naman ay tumatakbong vice governor sa Albay, Bicol. Hindi naman nagdalawang salita ang ama dahil binigyan din siya ng basbas para makasali sa stageplay.

Si Jovit ay kumukuha ng kursong consular diplomatic affairs at pangarap maging ambassador balang araw. Pero dahil sa may magagandang offers ay sinusubukan muna niya ang ibang venue.

Si Jet naman ay pamilyar na ang mukha dahil bukod sa pagiging ramp model ay lumalabas na rin sa mga teleserye sa ABS-CBN at GMA 7 at alaga naman ni Ricky Gallardo.

Extreme naman ang preparation ni Jet dahil sinubukan niyang ikulong ang sarili ng apat na araw na walang TV at kausap. Sinubukan din niyang tusukin ang kanyang mga paa ng ice pick. Dumalaw rin siya sa kaibigang aktibista para ma-feel niya lalo ang hirap at lungkot ng isang political detainee.

Samantala, wala pa ring masagot si BB kung last minute ay darating ang kanyang European boyfriend para manood ng kanyang play.

“Hindi ko nga alam kung kami pa,” sabay tawa.

“Ayaw ko kasing ma-off. Ang priority ko kasi ang trabaho. Dahil in the end kailangan kong i-prove na worth ang ibabayad ng manonood sa play namin,” paliwanag ng bibida sa entablado simula sa March 7, 8, at 9 sa Treatino Promenade Greenhills.

So, hindi niya tini-take home ang leading men niya?

“Kung hindi ako ang producer puwede,” pabirong sabi niya sabay tawa. “No. Professional ang deal ko sa kanila. Walang halong pleasure,” sagot ni BB.

vuukle comment

AYAW

BRANDO SAEL

DELOS REYES

DIREK MARYO J

JET ALCANTARA

JOVIT MONSOD

RICKY GALLARDO

SI JET

SI JOVIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with