^

Pang Movies

Papa Jack malaki ang naitulong sa mga magkakarelasyon!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kaya pala nagtagal ng eight years ang mga radio program ng binansagang “Papa ng Bayan” na si Papa Jack na True Love Confessions at ang Wild Confessions sa 90.7 Love Radio ay dahil marami siyang pinaghuhugutan mula sa kanyang mga personal na karanasan.

Ngayon lahat nang nasabi niya sa kanyang dalawang programa ay nasa libro na. Wish ni Papa Jack na kung bibili nga naman ang fans niya sa Facebook at Twitter hindi malayong maging best seller ang kan­yang libro na Everything I Learned About Love I Learned From Papa Jack na handog ng Summit Books.

Si Papa Jack na ang real name ay John Gemperle ay tubong Pangasinan. Sa edad na sampung taong gulang ay nagsimula na siyang magtarabaho sa bukid at palengke. Hanggang nagkaedad ay hindi siya tumigil sa kararaket at naging salesman pa ng kotse, manager ng isang fastfood, call center agent, at instructor sa Polytechnic University of the Philippines kung saan siya nagtapos ng mass communication. Naging acoustic singer din siya, indie film actor, at winner sa isang bikini contest. Sadyang naging makulit nga ang kapalaran kay Papa Jack hanggang sa maging disc jockey na siya at kinuha ang alias niya sa salitang padyak mula sa pedicab, para maka-relate ang masa.

Gabi-gabi ay naging busy ang hotline ng radio station dahil sa dalawa niyang shows at dito galing ang mga pinagsama-sama niyang quotations at saka isinalin sa libro. Personal na pinili ni Papa Jack ang mga nakalagay  na payo sa kanyang unang libro na umabot sa 365 items. Ito raw ang mga pinaka-sapul sa puso pagdating sa usapang pag-ibig.

Sabi pa ni Papa Jack, sobra ang aliw factor ng Everything I Learned… na hindi mo mabibitiwan kapag nasimulan nang basahin dahil may kilig factor na puwede sa may karelasyon, “it’s complicated,” sawi sa pag-ibig, problemado sa dyowa, “malandi at manloloko,” o kahit sa loveless pa. ’Ika nga niya, mula sa ligawan hanggang sa pagiging brokenhearted.

Trending na rin ngayon ang mga quotation sa libro dahil inuulit nila ang post nito sa Twitter tulad sa #79: “Malandi siya, manyak ka, congratulations!” Isa ito sa mga paboritong advice ng DJ sa kanyang radio listeners.

EVERYTHING I LEARNED

EVERYTHING I LEARNED ABOUT LOVE I LEARNED FROM PAPA JACK

JACK

JOHN GEMPERLE

LOVE RADIO

PAPA

PAPA JACK

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SI PAPA JACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with