^

Pang Movies

Mga bayaning hayop, kikilalanin ni kuya Kim

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kikilalanin ni Kuya Kim (Atienza) ang ilan sa mga hayop na nilagay ang kanilang mga buhay sa alanganin masalba lang ang buhay ng taong nakapaligid sa kanila ngayong Linggo sa Matanglawin.

Samahan ang Trivia King na kumustahin si Kabang, ang asong nawala ang nguso nang hinarang nito ang isang rumaragasang motorsiklo para lang masagip ang dalawang babae, at si Dagul, ang Animal Hero Awardee ng Philippine Red Cross.

Ipakikilala niya rin sa inyo ang apat na K9 dogs na naging bayani noong panahong sinalanta ang bansa ng matinding bagyo.

Pero hindi lang ang tinaguriang ‘man’s best friend’ ang bibigyang pugay dahil makikilala rin ni Kuya Kim si KitKat, isang pusang pumapatrol sa isang university kasama ang security guard.

 Marami pang mga bayaning hayop ang naghihintay ngayong Linggo (Feb 24), 9:30 a.m. sa Matanglawin sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANIMAL HERO AWARDEE

ATIENZA

DAGUL

FEB

IPAKIKILALA

KUYA KIM

LINGGO

MATANGLAWIN

PHILIPPINE RED CROSS

TRIVIA KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with