^

Pang Movies

Ronnie Ricketts nagpaalam sa Malacañang bago nag-shooting!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Walang balak si Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts na pasukin ang pulitika, gusto lamang niyang paglingkuran ang industriya ng pelikulang Pilipino, kaya bukod sa tungkuling ini­atas ng Office of the President, ngayon ay nagbabalik siya sa pagpo-produce ng isang napapanahong pelikula — may action, may comedy, at ang usung-uso ngayon na pagluluto, sa The Fighting Chefs. 

Mahilig magluto, hindi naman lihim na dati ay may restaurant ang mag-asawang Ronnie at former actress Mariz pero dahil naging busy na nga ang action star sa kanyang work at ang misis sa pagpapa­laki ng kanilang mga anak, isinara muna nila iyon.

Kaya natanong si Ronnie sa presscon, na ngayong gumawa siya ng pelikula na tung­kol sa mga chef, balak ba niyang muling buksan ang kanilang The Barn? If ever, sagot niya, ay gusto niya na isa lamang coffee shop para maliit, madaling ihanda ang mga iluluto at mabilis ang service.

Nagpasalamat din ang OMB head kay Boss Vic del Rosario na tinanggap agad nang sabihin niyang gusto niya muling mag-produce ng pelikula.

Pero bago iyon, sumulat muna si Ronnie sa Ma­la­­cañang para magpaalam na magsyu-shooting la­mang siya kung Sabado, Linggo, at holiday para hindi siya mag-absent sa work. Kaya ang The Fighting Chefs ay written, directed, at pinangunahan nila ng pamosong chef na si Chef Boy Logro, na naging isa rin sa mga inspirasyon ng OMB chairman simula nang mapanood niya sa TV, na gawin ang pelikula.

Si Ronnie ang Master Chef sa restaurant sa Elite Square, kasama sina Sexy Chef, Chef Magician, Chef Comedian, Dancing Chef, at si Chef Gi­go­lo. Pero sa kabila ng success ng mga chef, hindi ma­wa­­walan ng kontrabida sa grupo kaya kinailangan nilang paghandaan ang ka­nilang kalaban at dito pa­pasok ang mga ac­tion scene para ipagtanggol nila ang Elite Square na kinatatayuan ng kanilang mga restaurant.

Kung nagbabalik si Ronnie sa paggawa ng pelikula, hindi maaaring wala rin si Mariz at may dagdag pa dahil introducing sa movie ang panganay nilang si Marella. Noong una raw ay ayaw ng anak pero nang makita nito na maraming bata sa ginagawang pelikula ay siya na ang nagsabi na gusto rin niyang i-try umarte. Nagsyu-shooting lamang si Marella from 8:00-9:00 p.m. pero kung walang classes ay nag-i-stay pa ito at nanonood ng shooting.

Kasama rin sa pelikula sina Joross Gamboa, Van­dolph, Hero Angeles, Jeffrey Santos, Jon Hall, Arci Muñoz, Onyok Velasco, at Bagets stars Aki Torio and Nadine Austria. Sa March 3, 4:00 p.m., may cooking demo si Chef Logro sa Robinsons Pioneer. Sa March 4 ang premiere night sa Robinsons Galleria at nationwide showing nila sa March 6.

AKI TORIO AND NADINE AUSTRIA

ARCI MU

CHEF

ELITE SQUARE

FIGHTING CHEFS

RONNIE

SA MARCH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with