^

Pang Movies

Cesar at Sunshine magha-honeymoon sa Vienna

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Walang problema si Cesar Montano, ang producer, director, at actor ng pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story. Ang may problema ay ang mga taong nagsasabing hiwalay na sila ni Sunshine Cruz.

May tatlo silang babaeng anak na super gaganda at mga biba, naku, it will never happen! Oo, English ’yan!

Noong una kong nakilala sa office ni Ethel Ramos sa Burke Bldg. sa Escolta, Manila si Buboy ay pogi na siya talaga noon pa. Kaya naman hindi nakapagtatakang habulin siya ng mga babae.

Maraming bagay sa buhay ni Mayor Lim na hindi pa alam ng mga tao at mapapanood na ito sa pelikula ng C.M. Films. Akala ng iba si Mayor Lim ang producer ng movie, hindi. Sina Cesar at Sunshine. May datung sila ’no?!

Promise ni Buboy, tatapusin lang niya ang showing sa Feb. 27 ng pelikula at liligawan niya uli si Sunshine. Magha-honeymoon daw sila sa Vienna, Austria!

Kuya Daniel magpapa-aral

Walang pagbabago sa idolo ng masa, hindi lang sa larangan ng politics kundi maging sa public ser­vice, walang iba kundi si Daniel “Kuya” Razon ng UNTV.

Maaasahan pa rin siya sa kawanggawa.

Ongoing pa rin ang medical mission ni Kuya Daniel once a month, na kung saan ilang libo na ang naaayudahan sa mga gamot at doctor’s consultation. Pati eye checkup ay may eye glasses na naibibigay kung minsan.

Ang latest na misyon ni Kuya Daniel ay pangkabuhayan naman kaya nakipag-tie up siya sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) para sa mga gustong mag-aral pero can’t afford.

vuukle comment

ALFREDO S

BUBOY

BURKE BLDG

CESAR MONTANO

ETHEL RAMOS

KUYA DANIEL

MAYOR LIM

SINA CESAR

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with