^

Pang Movies

Hindi na halos naghihiwalay: Male celeb at male model parehong masaya sa kanilang romansa!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami na ang nagdududa sa tunay na relasyon ng male celebrity sa isang male model. Parati kasi silang nakikitang magkasama kahit saang lugar. Tuwing magbabakasyon o may show na gagawain ang male celeb kahit sa ibang bansa ay kasama niya parati ang male model at ito na ang kanyang “plus one”.

Pero kahit na may isama pa siyang personal assistant, sinasama pa rin niya ang modelo. Kesehodang siya na ang magbayad ng pamasahe  at pati na hotel room, basta kailangan ay ka-join ang kanyang ka-bromance.

Ayon sa aming source, nagkakilala ang male celebrity at male model noong makasama sila sa isang malaking event ng isang magazine na rumampa sila at nagpa-sexy sa entablado. Nagkaroon daw ng instant attraction ang dalawa kaya since then ay parati na silang magkasama.

Kaya hindi kataka-takang walang ma-link na babae ngayon sa male celebrity dahil mukhang mas abala ito sa kanyang ka-bromance na modelo.

Ang male model naman, balitang may girlfriend pero “cougar” naman daw na 20 years ang agwat ng edad nila at hindi pa siya masyadong gusto ng mga anak ng babae na puwede niyang maging mga kapatid na.

Kaya mas enjoy daw ang male celebrity at male model sa isa’t isa. Present naman sila sa anumang shows meron sila. Kapag may fashion show si male model, nasa crowd si male celebrity. Kapag may mall shows naman si male celeb, asahan mong nasa audience si model.  

 

vuukle comment

AYON

KAPAG

KAYA

KESEHODANG

MALE

MARAMI

MODEL

NAGKAROON

PARATI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with