^

Pang Movies

Vice Ganda na-confine na, pabalik-balik ang lagnat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi natuloy ang story conference kahapon ng movie na gagawin nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, at Vice Ganda dahil na-confine sa hospital si Vice na ilang araw nang nagpapabalik-ba­lik ang fever pero nagri-report pa rin sa It’s Showtime.

Hindi rin muna tuloy ang first shooting day nila sa Feb. 12 under Wenn Deramas for Viva Films.

Former Rep. Cynthia Villar tuloy ang proyekto sa Water Lilies

Medyo na-late si former Rep. Cynthia Villar sa advanced Valentine dinner and tsi­ka­han with some entertainment press last Thursday evening. Galing daw kasi siya sa taping sa kanilang Tagaytay house ng H.O.T. TV ng GMA 7. Maganda ang ambian­ce ng house dahil napapalibutan ng green trees. Bale naroon pala silang buong pamilya kung weekend.

Natanong si Mrs. Villar, na ngayon ay kandidatong senador under sa P-Noy team, kung kukuha ba siya ng endorser para sa kanyang kampanya?

Wala raw siyang balak dahil sapat na si Pres. Noy­noy Aqui­no na mag-endorse sa ka­ni­lang 12 senador. Tatakbo raw siya on the basis of her advoca­cies na tinawag nga siyang “Misis Hanep Buhay” da­hil sa pagbibigay niya ng livelihood program sa ma­higit nang 500 families in Las Piñas.

“At ito ang isini-share ko sa lahat ng lugar na pi­nu­puntahan ko,” kuwento ni Mrs. Villar. â€œIsa sa mga proyekto ko ang paggawa ng water lily products na malilinis na nila ang mga ilog nila sa water lilies ay kikita pa sila. Gusto kong mabigyan ng trabaho kahit iyong mga hindi nakatapos ng high school. Pero ang priority ko kapag nanalo akong senador ay ang mu­ling pagsusulong ng creation ng Department of OFWs na sinimulan ni Senator Manny Villar at ang pag­tutuon ko sa agriculture ng bansa na may 70 percent ang farmland sa bansa. Nagsimula na ka­ming gumawa ng organic fertilizers sa Las Piñas at ibinibigay namin ito nang libre sa mga farmer na lu­malapit sa amin.”

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

FORMER REP

LAS PI

MISIS HANEP BUHAY

MRS. VILLAR

SENATOR MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with