^

Pang Movies

Andi nangangaral sa pagiging mabuting nanay, ’di naman naging mabuting anak?!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Narinig na ba ninyong mangaral si Andi Eigenmann kung paano magiging isang mabuting ina?

Alam kaya ng single mother na bago maging mabuting nanay, dapat maging mabuting anak muna?

Aktor na yumaman sa bakla sobrang magmalinis

Naghahamon ang isang young actor na maglabas ng ebidensiya ang mga nagkakalat na kabit siya ng isang mayamang bakla. Hindi naman siguro nagmamalinis lang ang pogi dahil mukha siyang inosente at tila walang karanasan sa beki lalo na sa mga wrangler (gurang).

Tahimik namang nakatingin sa kanya ang bading na talent manager na mukhang rich na rin sa malala­king komisyon from ‘‘business’’ transaction ng kanyang artistang alaga. Buti’t napigilan niyang magtitili ng walang sound!

TV host pilit na pinipiga ang love life ng mga guest

Pinagmamasdan namin ang mukha, baka sakaling maduwal ang TV talk show host, habang pilit na sinisingit ang mga tanong na ligawan at love angle sa mga guest na magkatambal sa pelikula o teledrama.

Gusto kasi ng host na aminin o magpahaging man lang ng romansa ang hindi makapayag  na artista.

Atty. Persida nanghinayang sa Thy Womb

Nagmamalaki si Atty. Persida Acosta, head ng Public Attorney’s Office, legal tagapayo ng Face to Face, at host ng Public Atorni sa TV5 na ngayon ay replay na lang napapanood sa Aksyon TV, na tagahanga siya ng pelikulang Pinoy.

Marami siyang napanood na entries noong 2012 Metro Manila Festival. Nanghihinayang siya at hindi napanood ang Thy Womb dahil wala na ito sa sinehang pinuntahan niya.

Take note: Nagbabayad si Atty. Acosta sa mga sinehan. Ibig sabihin hindi man lang siya mabigyan ng complimentary season pass ng MMDA (Metropolitan Development Autho­rity) tuwing panahon ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Lola ni Julia nililigawan ni Coco

Buti naman hindi nasikmurang aminin ni Julia Montes na nanliligaw sa kanya si Coco Martin.

Inilihis na lang niya ang sagot na, ‘‘Ang lola ko ang nililigawan ni Coco.’’

Baka naman higit na masarap kausap si Lola at maraming matutuhan sa nakatatanda si Coco!

Pambaklang pelikula ni Rocco palabas na

Premiere screening ng I Luv U, Pare Ko ni Neal ‘‘Buboy’’ Tan sa SM Megamall cinema this evening (Feb. 5). Nandoon ang buong cast led by Rocco Nacino.

Bukas, Feb. 6, ang opening ng gay comedy film sa mga SM Cinema. Sabay ang playdate ng Gabriel (Ito ang Kuwento Ko), written and directed by  Ronald Rafer, sa mga piling sinehan din sa SM malls.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BUTI

COCO MARTIN

FEB

I LUV U

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with