^

Pang Movies

Aktor na-high blood sa pangangalkal sa personal na buhay ng TV reporter na kasama sa iisang network!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kapag nailipat sa police beat o sa Senate ang isang TV reporter na nag-i-interview ng mga artista, obvious na ang kinampihan ng network ay ang nagreklamong aktor.

Na-high blood kasi ang artista nang kinakalkal ng TV reporter, na kasama niya sa isang channel, ang mga personal affair. Kunwari ay pupunta lang sa C.R. ang aktor, pero siniguro munang wala na roon ang TV crew na nagpa-high blood sa kanya.

Madalas kasi may mga upstart na gustong magpasiklab, kahit wala sa lugar. ’Di kami magtataka kung ililipat ka sa Mindanao branch ng network!

Starlet tinotoo ang pagke-kerida, ka-check in sa motel ang katrabahong aktor na may asawa na

Tinotoo ng isang starlet ang kanyang keridang role sa isang teledrama. Kaya lang sa isang married actor pa siya kumabit na kasali in the same show.

Madalas tuloy na nawawala ang lovebirds sa set. Hinala ng mga kasama, nagtse-check in sa motel. Dahil pagbalik, mukhang mga bagong paligo lagi ang disappearing perfor­mers.

Nakarating na pala sa magandang misis ng aktor ang kaliwaan, kaya sumugod na ito sa set na crayola queen. Nagkataon namang wala pareho ang starlet at aktor!

Thy Womb ipapalabas uli sa Australia

Ipapalabas uli ang Thy Womb sa Australia, matapos magwagi roon sa Brisbane in Asia Pacific Screen Awards ng best director si Brillante Mendoza at best actress si Nora Aunor for the said movie last November 2012.

Mapapanood ang Thy Womb sa Australian Center for the Moving Image in Melbourne, May 10-13. Ang multi-awarded film ay sinabing ‘‘a lyrical tale of love and beauty’’ sa Melbourne.

Rep. Sonny biased sa Kapamilya

Bakit pawang mga taga-ABS-CBN ang celebrity endorsers ni Rep. Sonny Angara as senatorial bet na sina Sarah Geronimo, Julia Montes, at Coco Martin?

Obvious ba? Isa kasing marketing executive sa network ang lovely wife ni Cong. Angara.

MMK, Budoy, Be Careful… nakapasok sa TV-film competition sa New York

Maraming lahok ang ating bansa na nakapasok sa 2013 New York Festivals of Best Television and Films competition in April. Mahigit 50 countries ang kasali.

Finalist ang Maalaala Mo Kaya sa best teledrama actress category, ang Be Careful With My Heart at Budoy sa best drama.

Ang Oras Na TV special, finalist sa environment and ecology contest.

Marami pang TV shows mula sa tatlong major networks ang napiling finalists sa best TV division.

 

ANG ORAS NA

ASIA PACIFIC SCREEN AWARDS

AUSTRALIAN CENTER

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

BRILLANTE MENDOZA

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with