Aktor expert sa pagwo-walk out!
Malaki pa rin ang tampo ng drama actor sa isang TV network dahil pakiramdam niya ay nabastos siya sa isang big event. Naroon siya sa malaking event dahil may ilo-launch na isang bonggang TV plug. Ipinagmamalaki nga ng drama actor na kasama siya sa naturang TV plug at nagpapasalamat siya sa naturang TV network na isinama siya roon.
Na-interview pa siya ng maraming reporters at natutuwa naman sa kanya dahil nakakabangon na nga ulit siya mula sa pagkabagsak sa career. Mabuti na lang daw at inaalagaan siya ng naturang TV network.
Pero noong ipalabas na ang naturang plug na ipinagmamalaki ng TV network, nanlumo ang drama actor dahil wala siya sa naturang TV plug. Nag-pictorial pa naman at naghanda siya ng husto para sa pag-shoot ng TV plug pero ang ending ay tatanggalin pala siya.
Ipinagtataka lang ni drama actor kung bakit pa siya pinapunta sa event, ’yun pala ay wala naman pala siya sa TV plug. Kaya bago pa man matapos ang TV plug ay nag-walkout na ang drama actor.
Pinipigilan nga siya ng ilang executives ng naturang TV station para magpaliwanag kung bakit kailangan siyang tanggalin sa TV plug pero hindi na siya nakinig at tuluy-tuloy siyang lumabas ng venue.
May nakasalubong pa siyang mga TV crew at ilang reporters at tinanong siya kung bakit siya aalis agad. Hindi na lang siya nagsalita at nag-sorry siya dahil nagmamadali siyang umalis.
Hindi na nagtaka ang ilang reporters na naÂkaÂÂkaalam kung bakit ganun ang nangyari. MaÂtamÂpuhin daw talaga ang drama actor at sanay nang mag-walkout.
Sa isang premiere night nga ng isang pelikula niya, hindi lang niya nagustuhan ang pagkakalagay ng pangalan niya sa poster at sa paglabas sa opening billboard ng pelikula ay nag-walkout na lang agad.
Kaya bansag sa kanya ngayon ay Walkout King. Kapag gusto niyang mag-walkout, hindi na siya mapipigilan pa, kahit ng manager niya.
- Latest


















