^

Pang Movies

Kim at Maja isnaban nang isnaban kahit sumasayaw

Jun Nardo -

MANILA, Philippines -  Ramdam na ramdam kina Kim Chiu at Maja Salvador na meron silang pinagdaraanan nang pagsamahin silang dalawa sa isang production number sa ASAP 18 sa Iloilo last Sunday. Unang sumayaw si Maja at after ng parte niya, si Kim naman ang humataw. Pero walang tinginan sa kanilang dalawa nang umeksit si Maja at um-enter naman si Kim.

Kitang-kita sa sayaw ng dalawa na ayaw nilang patalbog sa isa’t isa! Hindi rin sila binig­yan ng chance na magsalubong ng tingin dahil sabay man sila sa stage ay kanya-kanya naman sila ng steps!

Siyempre pa, siguradong si Gerald Anderson ang pinakamasayang lalaki nang magsabay ang kanyang ex at current girlfriend na hindi lang sa stage naglalaban kundi maging kanilang teleserye.

Hindi na nahihiya Gretchen inungkat ang relasyon kay Aga sa harap ni Charlene

’Katuwang special host si Gretchen Barretto lang Sunday sa The Buzz. Sa segment na kasama niya sina Kuya Boy Abunda at Charlene Gonzales kung saan hinihimay-himay nila ang tsismis kay Judy Ann Santos na iniintrigang hiwalay na sa asawang si Ryan Agoncillo, pati ang nakaraang relasyon nila ni Aga Muhlach ay isinama sa talakayan. Wala siyang takot kahit kaharap niya ang asawa ng dating boyfriend na si Charlene!

Inungkat din ni Greta ang isa pang babae na naging dyowa rin ni Aga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinikibo.

Maging sa interbyu ni Gretchen sa kaibigang si BB Gandanghari na sa halip na pag-usapan ang stageplay na ginagawa ng kaibigan, ang kalandian nito ang ibinu­king niya. Taklesa talaga si Greta! Hahaha!

Mayor Lito mas gustong pagandahin ang ‘Maynila’ kesa gawan ng pelikula ang kanyang buhay

Ayaw maki-ride on ni Mayor Lito Atienza na porke isinalin na niya ang buhay niya sa sinulat na libro na Light From My Father’s Shadow, gusto na rin niyang isabuhay sa screen ang kanyang buhay gaya ni incumbent Manila Mayor na si Alfredo Lim.

Kuntento na si Mayor Lito na napapanood ang ilang kuwento sa TV show niyang Maynila kesa gumawa ng bioflick gaya ng dating karibal sa pagka-alkalde.

Maraming nahukay na lihim sa libro dahil sa makulay at detalyadong pagsasalaysay ng dating Manila mayor. Hindi naman niya maiiwasan ’yon dahil ang pagiging makatotohanan lamang ang isa sa layunin niya sa pagsusulat. But more than that, gustong ibahagi ni Mayor Atienza ang kanyang accomplishments bilang public servant na kanyang dedicated sa yumao niyang ama na isa ring accomplished man pagdating sa serbisyo publiko.

Bahagi rin ng libro ang anak niyang si Kim Atienza na isinalin sa libro ang iba pang detalye nung panahong na-stroke siya. Sa parteng ito, ibinahagi ni Mayor Lito ang milagro sa buhay ng anak na nai­salba ng panganib sa buhay.

 

AGA MUHLACH

ALFREDO LIM

CHARLENE

CHARLENE GONZALES

GERALD ANDERSON

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

MAYOR LITO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with