^

Pang Movies

Aktor isinusumpa ang nakatrabahong senior actress na nagpatikim ng katakut-takot na masasamang salita

YSTAR - Baby E -

Don’t blame this actor kung gitlian man daw siya sa leeg ay never na siyang makikipagtrabaho, much less, makipagtambal sa isang senior actress who sub­jected him to a tongue-lashing na never before pa niyang naranasan. Nagka-trauma raw siya at kung hin­di dahil may kontrata siyang pinirmahan for the project at sinabihan siya ng kanyang talent manager na dapat panindigan niya ang kanyang kontrata at baka nga siya mademanda, baka raw nag-beg off siya.

How he was able to work with her until matapos ang project, ayaw na raw niyang alalahanin. Ganun pa man, ’di raw niya ipagkakailang impressed siya sa talent ng aktres. In fact, may mga natutuhan din naman siya rito tungkol sa pag-arte.

But as he said, iba na if you are in good terms with the co-stars you are working with. Lalo’t with your leading lady.

Which is daw kanyang nararanasan ngayon in the project he is doing. Not only is his leading lady ay kaedad niya, more or less, kung hindi swak na swak sila maging sa ugali at sa manner in which they take to their work.

Sen. Bong mas pinalakas ang Indio

Isa sa naging kahanga-hangang eksena sa pagpasok ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa series na Indio ay ang transition niya as Malaya from the young Alden Richards to what he is now.

‘‘I see in Alden my kabataan,’’ ani Sen. Bong. ‘‘And I’d say, he did justice to his role.’’

Sa kanyang ‘pagpasok’ sa Indio bilang Malaya, kaagad nasabak si Sen. Bong sa matitindi at mala­king eksena na, somehow, nagpatunay na ’di lang sa mga eksenang aksiyon siya nag-e-excel kung hindi maging sa drama rin.

Sen. Bong credits Dondon Santos, his first time to work for the director, for being workaholic and meticulous sa bawat eksena sa pelikula. Sa series na ito, more than ever, na-realize niya na ang merit ng isang project ay nakasalalay din sa klase ng direktor na humahawak nito. Kaya saludo raw siya kay Direk Dondon.

For his role sa Indio, Sen. Bong took time to attend acting workshop. It seems kasi that’s the current trend now in showbiz.

He is grateful he did. Sa acting workshop, naging more at home siya sa kanyang role. At sa mga eksena rin niya with his co-stars.

His co-stars attended the acting workshop, too, with him. Kaya bago pa man sila humarap sa kamera, somehow may basic knowledge na sila on how the scene will go and what is expected of them.

Nasa third week na ang Indio at inaasahan ang lalong pagtaas nito sa TV ratings, ngayon ngang ang tunay na Indio ay pumasok na. Si Sen. Bong nga.

Aware si Sen. Bong of the expenses GMA 7 is encurring, mapaganda at maging kapuri-puri lang ang Indio. In return, he promises, with the help of those concerned, too, to give his best sa lalo pang matitindi at malalaking eksena ng series.

Indio airs Monday to Friday on GMA 7, of course, after 24 Oras.

John at Priscilla nagpaplano ng bonggang birthday sa anak

The Estradas, John and the former Miss Earth, Priscilla (nee Meirelles) is reportedly planning a big celebration for their daughter, Anechka, when the girl turns one year old on Feb. 6.

Anechka was born exactly a year after John and Priscilla’s beach wedding in La Union on Feb. 26, 2011.

Anechka’s real name, according to John is Samantha Anechka. They call her Aneka for short.

ALDEN RICHARDS

ANECHKA

BONG

BONG REVILLA

DIREK DONDON

DONDON SANTOS

INDIO

SEN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with