^

Pang Movies

Solenn walang pinagsisihan na ibinigay ang lahat kay Direk Peque

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon -

Nakita namin sa lobby ng GMA Network si Solenn Heussaff noong isang araw at napansin namin na mas beauty pala siya kung walang makeup. Biro niya, busy siya sa pagpo-promote ng Seduction nila nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at that morning hindi muna siya nag-makeup. 

Totoo naman na since dumating siya ng Argenti­nian vacation niya, hindi na siya huminto sa trabaho- pro­mo ng movie sa mall shows sa Metro Manila at sa provinces at taping ng Indio at Fashbook for GMA News TV. Happy siya na siya ang unang nakapanood ng buong pelikula na idinirek ni Peque Gallaga. Humanga raw siya sa pinaka-seductive movie na nagawa niya at hindi siya nagkamali na ibi­nigay niya ang lahat ng hiningi sa kanya ni Direk Peque.

Nag-imbita si Solenn sa special Celebrity Screening nila tonight ng Seduction sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City at sa showing nito bukas, Jan. 30 in theaters nationwide. Dagdag pa niya, huwag itong i-miss at ang first time na pagpapakita ni Richard ng behind. Nabigyan ng R-13 classification without cuts ang Seduction.

Ryza maligaya nang kakapiranggot ang mga role sa serye

Nasa Baguio City ngayon for a two-day taping ang cast ng Sana ay Ikaw Na Nga na nasa last two weeks nang mapapanood sa afternoon prime ng GMA 7 after ng Yesterday’s Bride. Natanong na­in si Direk Dick Lindayag kung ano ang magiging wakas ng character ni Olga na ngayon ay ginagampanan na ni Ryza Cenon matapos siyang magpabago muli ng mukha from Cecilia (Andrea Torres). 

Pero kahit si Ryza, ayaw sabihin kung ano ang mangyayari sa kanya sa story. Biniro tuloy siya ng press kung hindi ba siya humihingi sa GMA na as a ultimate winner sa StarStruck 2 ay gawin naman siyang bida at hindi na lamang laging kontrabida o maikli lamang ang role sa bawat soap na salihan niya?

“Hindi po. Happy po ako dahil ako siguro ang GMA talent na pinakarami ang ginagawang soap. Dahil hindi ako nakaipit sa isang project, basta may soap na kailangan ang guest role, ako lagi ang naaalaala nila, kaya nagagampanan ko rin ang iba’t ibang role na kung ako ang bida, isang role lamang ang magagawa ko.  

“Hindi ako natuloy mag-guest sa Temptation of Wife as the young Yolanda (Ayen Laurel) pero dahil may braces pa ang teeth ko hindi na puwede dahil flashback ang mga eksena. Hindi man ako natuloy doon, ito naman ang ibinigay nila sa akin, as Olga. Nagsimula ako sa seventeenth week at mapapanood ako hanggang sa matapos kami sa twenty third week sa February 8,” pahayag ng Kapuso actress.

AKO

ANDREA TORRES

AYEN LAUREL

CELEBRITY SCREENING

DIREK DICK LINDAYAG

DIREK PEQUE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with