^

Pang Movies

Alden Richards inaming doble ang kaltas sa kanyang TF

Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Hindi itinanggi ni Alden Richards na co-managed siya ng ICONS Management nang kornerin siya ng press bukod sa pa­gi­ging contract star ng GMA Artist Center. So far, kuntento naman daw siya sa pamamalakad ng dalawang namamahala sa kanyang career.

Pero ayon kay Alden, kapag special project lang malaki ang kaltas sa kinikita niya. Pero kapag regular show ay maliit lang kumpara sa nababalita. Sa ngayon, tapos na ang special participation ni Alden sa Indio. Masisilayan na ang tunay na bida na si Sen. Bong Revilla, Jr.

As of now, isang primetime project ang niluluto kay Alden kasama uli ang ka-love team niyang si Louise delos Reyes. 

Vic Sotto namigay ng P100,000 sa magkapatid na senior citizen

Bitin ang nanood ng Eat Bulaga last Saturday dahil hindi naisalang ang Pinoy Henyo na lalahukan sana ng ilang hosts ng EB Indonesia na bumisita sa bansa. Sila sana ang maglalaro sa Pambansang Laro pero hindi naman mabibigo ang viewers ng longest-running noontime show dahil itutuloy ang labanan nila ngayong tanghali.

Sa totoo lang, mas dinagdagan ang premyong pera na ipinamahagi ng Bulaga team nung Sabado. Touching ’yung napiling magkapatid na senior citizen na sa Juan for All, All for Juan. Pinapunta pa sila ni Vic Sotto sa studio komo nga sa San Juan lang ang location ng segment.

Tinupad ni Bossing ang sorpresa niya sa magkapatid dahil ’yung unang P50,000 na regalo nila ay dinagdagan pa niya ng P50,000, huh! Nakalibre pa sila ng halik kay Vic!

Randy pahinga muna sa raket sa abroad!

Nasa Amerika si Randy Santiago nang tawagan ni Mayor Herbert Bautista para sa balitang siya ang magdidirek ng nilulutong project, ang sinisimulan na pelikulang Raketeros. Madalas kasing maging assistant director si Randy ng yumao niyang father na si Pablo Santiago. Pero sa TV, naging director na siya ng Aalug-Alog at PareKoy pati na sa mga concert.

“Pero sa full-length movie ngayon lang kasi maiiwanan ko ang pagkanta eh. Halimbawa, hindi ako makakanta dahil lahat sila may sche­dule. Sila, ’pag kumpleto, hindi ako puwedeng mag-schedule (ng show ko). Kailangang maghanap ako ng schedule na walang shooting talaga. Kailangan kumuha ng raket, otherwise…

“Marami akong invitations pero ngayong may project na ako, hindi ako puwedeng kumuha. Pero nakakatuwa. Ang sarap!” sey ni Randy nang makausap namin sa shooting.

Pero bawi naman siya sa pagdidirek?

“Hahaha! Katulad nga ng sinasabi ko, parang tuition fee. Ako pa ang kaila­ngang magbayad upang mabigyan ako ng ganitong trabaho. Pagkakataon. Saka I’m very grateful to our mayor sa pagkakataong ibinigay niya sa akin,” sagot ni Direk Randy.

 

AKO

ALDEN RICHARDS

ARTIST CENTER

BONG REVILLA

DIREK RANDY

EAT BULAGA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PERO

VIC SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with