Rocco feel na feel na ang pagiging bakla!
Marami ang nagtaka nang tumanggap muli ng isang gay role si Rocco Nacino, dahil nasabi niya na hindi na siya magpa-papel sa pelikula, after the well-acclaimed Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.
‘‘Ang sinabi ko, baka hindi na muna ako tumanggap ng gay role,’’ nilinaw ng aktor. ‘‘Hindi ko sinabi na last gay role na ’yon.’’
Binabasa pa lang ni Rocco ang script ng I Love You, Pare Ko, gusto na niyang tanggapin ang papel ng paminta sa istorya. ‘‘Mahirap gampanan ang mga ganitong character na tunay na lalaki ang panlabas na anyo, pero malambot pala ang puso at iba ang tinitibok.’’
Rocco gave it a try at hindi naman siya nagkamali sa desisyon.
Very much impressed si Director Neal ‘‘Buboy’’ Tan sa performance ni Rocco. Pati ang producer na U.S. based na si Riqui Cardema ng Krix Film. Ito ang kanyang first movie venture at very satisfied naman siya sa napanood na final print ng I Love You, Pare Ko.
‘‘Lahat sila mahusay na actors. Sina Rocco, Rodjun Cruz, Arnell Ignacio, at Tita Swarding. Si Arnelli nga, aakalain ng mga manonood na isang tunay na bading sa kanyang pag-arte. Dapat lang na maÂging above the title ang kanyang billing.
‘‘Lahat, kahit hindi gay, makaka-relate sa I Love You, Pare Ko, na kakaibang comedy film,’’ paniniyak ni Buboy Tan. ‘‘Kung sa nakaraan kong movie na Tarima, naiyak kayo sa kadramahan; tiyak na hahalakhak kayo ng malakas sa I Love You, Pare Ko.’’
Pangako ni Riqui Cardema, kahit maka-break even lang siya sa kanyang first production venture, gagawa sila ng sequel ng I Love You, Pare Ko.
Isa rin baguhang scripwriter si Riqui na ang mga sinusulat ay galing sa kanyang mga pambihirang dreams, kaya’t seryoso niyang haharapin ang paggawa ng pelikula.
GEB dinadagsa ng mga sikat
Nagiging favorite watering hole ng mga celebrities ang GEB Super Club, along Tomas Morato, Q.C. na katapat lang ng Mang Inasal.
Very accessible sa mga taga-tatlong major networks ang leading dance venue, kaya’t madalas nandoon ang mga taga-ABS-CBN, GMA 7, at TV5. Si John Fontanilla nga na mainstay dancer ng Walang Tulungan with Master Showman, nagsabing very cordial ang atmosphere sa GEB.
Ang kuwento pa niya, nakita na niya roon ang mga big stars tulad ni Derek Ramsay.
This Friday Jan. 25, may Unleashed party ang GEB na siguradong dadaÂyuhin ng mga sikat na young stars. Kung gusto n’yong makipag-rubbing elbows with celebrities, punta agad sa GEB Super Club.
Sen. Jinggoy babalikan ang pelikula
Si Sen. Jinggoy Estrada ang inducting officer nang mag-oath of office ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Monday evening.
Nais ng Senador na maging close muli sa showbiz press. Kung noong mga nakaraang panahon ay bihira siyang gumawa ng pelikula, nangako si Sen. Jinggoy na aasikasuhin niya ang film production this 2013.
‘‘Kaya madalas na tayong magkikita-kita this year,’’ paniniyak ng Senador.
Ang bagong halal na pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman, pati na ang kanyang new set of officers for 2013, tuwang-tuwa na magiging aktibong muli si Sen. Jinggoy, sa pelikula.
Exec ng reality search nabingwit agad ang dating callboy na nag-apply na contestant
Sa isang malayong probinsiya nagkaroon ng audition para sa reality talent search. Inamin ng isang male talent na dati siyang call boy, bago nagkahilig sa showbiz. Nabuhayan ng dugo ang isang fast worker na executive.
Nasundan agad ng baklesh ang potential actor sa toilet. Nagkausap sila roon. Fast forward – lumalabas na sa hotel room ng executive ang male hopeful. Na-sight siya ng isang bading na production assistant ng network.
Tiyak na higit na tumatag ang pag-asa ng baguhang naging artista!Â
- Latest