^

Pang Movies

Sam at Gerald, napasubo lang

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kakaiba yata ang Kapamilya Fil-Am hunks ngayon sa mga paraan nila ng pangliligaw. Nagkataon pa naman na nasa sariling bakuran nila ang girls. Masyadong napi-play up.

Una na si Sam Milby na gumawa ng sariling rebelasyon. Ang kaso, hindi yata na-coach ang tisoy sa mga naging pahayag niya sa “binabalak” na pang­liligaw kay Shaina Magdayao. Kung sa kanya lang galing ang mga pinagsasabi niya, ay, medyo hindi maginoo ang dating.

Hindi naman taklesa si Sam at maayos naman ang paliwanag niya pero lumalabas pa rin na nagmumukhang kawawa si Shaina. Eh paano naman sa tinuran niya ay hindi pa pala siya sigurado kung liligawan nga niya ang aktres. Kikilalanin niya raw muna si Shaina bago magdesisyon kung manliligaw o hindi. Kailangan bang sabihin ’yun sa publiko? At kailangan bang malaman ni Shaina ’yun? Baka naman ma-conscious tuloy ang dalaga sa mga ikikilos niya at hindi na ma­ging natural para lang maging favorable sa mga mata ni Sam. Hindi yata tama.

At ang ikalawang Fil-Am na windang din, si Gerald Anderson, ay parang hindi naman bumusina muna kay Kim Chiu bago nakipag-Misimis Bay bonding kay Maja Salvador. Muntik pa siyang maging katulad ni Sam dahil kung hindi pa yata naglabasan ang mga picture nila ni Maja ay hindi pa makakapag-desisyon na ituloy na ang pagpupursigi sa best friend ni Kim. Hindi ba mukhang napasubo o nasukol lang si Gerald ng ganun?

’Yan na yata ang bagong trend ng Kapamilya actors ngayon. Makikipagmabutihan pero sasabihin sa madla na hindi pa talaga makapag-commit kung manliligaw o hindi dahil nananantiya pa sila. Nagmumukhang nakanganga pa tuloy ang mga naghihintay na aktres sa kanila.

Pero hindi rin maiiwasang mag-isip na siguro ay may kaugnayan lang sa mga TV show nila ang ginawa nilang paglalantad. Si Sam ay may bagung-bagong Kahit Konting Pagtingin at si Maja naman ay may kasalukuyan pang Ina, Kapatid, Anak.

Darak King nakabalik sa MasterChef

Nakakatuwa naman at nakabalik pa si Sonny Boy Tuazon o mas kilalang “Darak King” sa MasterChef Pinoy Edition dahil sa pagkakaroon nila ng wildcard week nung isang linggo.

Sa pagbabalik ni Sonny Boy ay marami ang umaasa na kaya na niyang makipagsabayan sa ibang kusinero’t kusinera kahit mas matanda sa kanya. Nakitaan kasi ng angking galing sa pagiging malikhain o nakakapag-imbento ng luto gamit ang mga kakaibang sangkap ang 24-year-old contestant pero hindi pa ganun kahasa sa kusina. Hindi makakalimutan ng mga nakasubaybay sa kanya sa reality cooking show ang kanyang ginawang darak cookies.

Sana ay makapagpa-impress na siya ng todo kina Judy Ann Santos at chef-judges Fern Aracama, Rolando “Lau” Laudico, at JP Anglo dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi pinaboran ang nasalihan niyang grupo sa isang 15-minute challenge.

Singer na kandidata sa Bulacan masipag mag-abuloy at magbigay ng bulaklak

Sa paparating na eleksiyon, talaga palang ang ibang pulitiko na kakandidato ay kanya-kanya na ng pagpaparamdam sa mga nasasakupan. Dun kasi sa isa naming kamag-anak sa Bulacan ay paisa-isa silang dumating. Galante raw sa pagbibigay ng bulaklak at abuloy. Ang isa mga bumisita ay ang singer na gusto nang mag-public service.

Sana lang ay tapat nilang ginagawa ang pakikiramay kahit hindi pa nila personal na kilala ang namatay. Nabibigyan kasi ng kulay ang kanilang bawat galaw at mahirap malaman ang totoong motibo kapag may halalan.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

BULACAN

DARAK KING

FERN ARACAMA

GERALD ANDERSON

JUDY ANN SANTOS

NAMAN

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with